Ang andropause ang tinaguriang “male menopause.”
Mula sa edad 30 ay unti-unti nang bumababa ang lebel ng testosterone ng lalaki ng 1 percent kada taon.
Pagdating ng edad 70 ay posibleng bumaba na ang lebel ng testosterone ng halos 50 percent.
Dahil dahan-dahan ang pagbaba ng testosterone at hindi ito gaano napapansin ng kalalakihan.
Ang sintomas ng andropause ay ang (1) pagbawas ng gana sa sex; (2) lumiliit na mga masel ng katawan; (3) panghihina; at (4) pagbaba ng kumpiyansa sa sarili.
Ang iba naman ay nalulungkot at nahihirapang matulog.
Para malaman kung mababa ang iyong testosterone, puwede itong ipasuri sa laboratoryo sa pamamagitan ng blood test.
Ano ang solusyon sa andropause?
Kumain ng masustansya at ituloy ang regular na ehersisyo.
Magpa-check up sa doktor para malaman kung may ibang dahilan ang iyong nararamdaman. Baka naman hindi andropause ang sanhi ng sintomas mo.
Mag-ingat din sa pag-inom ng mga supplements para sa testosterone. Hindi pa tiyak ang benepisyo at peligro nito. Kumunsulta muna sa doktor.