^

PSN Opinyon

Happy 85th founding anniversary, Quezon City!

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

BONGGANG-BONGGA ang pagdiriwang ng lokal na pamahalaan sa ika-85 founding anniversary ng ating minamahal na lungsod nitong nagdaang linggo.

Sari-saring aktibidad ang inilatag para matiyak na espesyal ang selebrasyong ito para sa mga QCitizen.

Nagsilbing finale ng ating pagdiriwang ang “Kyusiklaban Music Festival 2024” sa Quezon Memorial Circle kung saan nakipagrakrakan ang mahigit 30,000 QCitizens.

Kabilang sa mga nag-perform sina Bamboo, KZ Tan­dingan,  Piolo Pascual, Al James, Carla Cray, Dilaw, at Silent Sanctuary, habang si Robi Domingo naman ang nag-host ng event.

Sentro rin ng ating pagdiriwang ang kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary-La Naval de Manila.

Inikot natin ang imahen ng La Naval sa iba-ibang dis­trito para mabigyan ng pagkakataon ang libu-libong QCi­tizens na ipahayag ang kanilang panata at pananampalataya.

Nasa 200,000 deboto ang nakiisa sa Grand Procession ng kapistahan noong Linggo. Nagpapasalamat tayo sa ating mga city department at sa QC Police District na nag­trabaho para maging maayos at mapayapa ang dalawang aktibidad na ito.

Bukod pa rito, nagsagawa rin tayo ng QC Employees Day bilang pagkilala sa dedikasyon at sipag ng halos 20,000 tauhan ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga aktibidad na ating ginawa ay ang masayang inter-department dance competition at Palarong Pinoy kung saan nagpakitang gilas nang husto ang ating mga kasama sa paglilingkod.

Sari-saring freebies at discount din ang handog natin sa mga QCitizen, sa isinagawa nating tatlong araw na QC Day Sale mula Oktubre 11 hanggang 13, 2024 katuwang ang mga mall sa ating siyudad.

Ang 85 taon ng Quezon City ay bunga ng dedikasyon ng bawat kawani ng lokal na pamahalaan sa pagsisilbi sa mga QCitizen. Kung hindi rin dahil sa sa suporta at pakikiisa ng mga QCitizen sa mga programa at proyekto ng QC, hindi tayo tatagal nang ganito.

Ang tagumpay ng Quezon City ay dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ng bawat QCitizen na nangangarap at naghahangad ng magandang kinabukasan. Ikaw, ako, bawat isa sa atin ay naging susi sa matayog na Lungsod Quezon. Tayo ang QC!

ANNIVERSARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with