^

PSN Opinyon

Para saan pa ang lahat na iyan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KALAGITNAAN na ng Oktubre. Ilang linggo, Nobyembre­ na at sa bilis ng panahon Disyembre na. Alam natin ang kahu­lugan ng buwan na iyan. Mga dekorasyon sa malls, kal­sada pati tahanan, kanta ni Jose Mari Chan. Magiging­ ma­gaan at masaya ang disposisyon ng lahat. Sana nga. Pero may isang bagay na dala ang Kapaskuhan sa Metro Manila, trapik. At ngayon pa lang, medyo nararamdaman na.

Parang sirang plaka na nga ako, pero kailangan kong punahin ang tila anarkiyang nagaganap sa kalsada. Napa­karaming batas-trapiko na hindi naman sinusunod ng kara­mihan ng sasakyan. At para dumagdag pa sa masama na ngang sitwasyon, wala namang mga tagatupad ng batas-trapiko para sitahin at hulihin ang mga lumalabag.

Kaya malalakas ang loob lumabag dahil wala namang nanghuhuli. Para saan pa ang mga nakalagay na “One Way,” “No Right Turn on Red Signal,” “Bus Lane,” “No Un­loading and Unloading,” at iba pa? Para saan pa lahat iyan? Luma­labas na inutil lang ang lahat na iyan. Parang mga mungkahi at hindi batas.

Makikita lang ang mga traffic enforcers o pulis sa malalaking intersection tulad ng EDSA/Ortigas, EDSA/Ayala, EDSA/Kamuning, EDSA/Quezon Avenue. Pero sa ibang lugar, bahala na ang lahat. Natutuwa ako sa mga napa­panood ko sa social media kung saan ipinakikitang hinuhuli ang mga gumagamit ng Bus Lane o Bicycle Lane sa EDSA. Karamihan mga motorsiklo pero may mga kotse rin.

Pero ang masasabi ko ay walang nanghuhuli sa Bus Lane sa Shaw underpass, lalo na sa gabi. Hindi naman patas na mga kotse ay sumusunod sa hindi paggamit ng Bus Lane kahit sobrang trapik tapos walang takot na guma­gamit ng Bus Lane ang ilang kamoteng motorsiklo. Bakt nga ba nawawala ang mga pulis o MMDA kapag gabi na?

Maraming paglalabag pa ang puwede kong ilista rito. At ayoko sanang magturo ng isang klaseng motorista pero kailangang maging mahigpit ang mga traffic enforcers, kung meron, sa mga motorsiklo. Hindi sila exempted sa batas. Pero bumaybay kayo ng Metro Manila at makikita ang sinasabi ko. Sa magiging masamang trapik sa mga darating na araw, hindi malayo ang magkaroon na naman ng mga insidente ng road rage. Sana naman wala.

Pero hindi ko rin masisisi ang iba kapag natuyuan na ng dugo sa kalsada. Hindi ko sinasabing tama, pero maiiwasan sana lahat iyan kung may tunay na disiplina sa kalsada, pati na rin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko.  

MALLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with