PNP drug haul sa BBM admin, umabot sa P39-B!
DAHIL sa dedikasyon ng kapulisan sa pagpuksa ng drug syndicates, umabot sa P39.8 bilyong halaga ng droga ang nakumpiska ng PNP sa dalawang taon ng administrasyon ni President Bongbong Marcos. Natuwa naman si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kanilang accomplishments at pinuri niya ang anti-drug units dahil sa kanilang sipag at patience sa trabaho na iginagalang ang human rights.
“I commend all our officers for their steadfast efforts and tireless commitment to this tremendous achievement,” ani Marbil. “As we continue to intensify our anti-illegal drug campaign—targeting high-value individuals and dismantling drug syndicates—we remain firmly dedicated to preserving life. Our goal is to ensure the well-being, safety, and dignity of every community member,” dagdag pa ni top cop. Dipugaaa!
Sa kanyang report sa Palasyo, sinabi ni Marbil na ang bilyones na halaga ng droga ay nakumpiska ng PNP mula July 1, 2022 hanggang October 7, 2024. Aniya, patuloy na itinataas ng PNP ang kanilang kampanya laban sa droga upang protektahan ang komunidad at sundin ang mandatong rule of law. Eh di wow!
Sa loob ng dalawang taon, nagsagawa ng aabot sa 109,694 anti-drug operations ang PNP Drug Enforcement Units sa buong Pinas kung saan 137,190 drug addicts ang nasakote. Ang malaking bulto ng nakumpiskang droga ay ang shabu na nasa P35.4 bilyon ang street value samantalang P1.45 bilyon naman ang dahon ng marijuana at P2.57 bilyon ang marijuana plants. Ang cocaine naman ay sa P161.3 milyon, P21.5 milyon ang ecstasy, P4.5 milyon ang kush marijuana at P243.4 milyon ang ketamine. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa totoo lang, bumuwelo ang anti-drug operations ng PNP sa panahon ni Marbil. Teka, teka, nahalata n’yo na ba ang Dipuga mga kosa? Mula Abril 1, 2024 hanggang October 7, nagsagawa ang PDEG ng 25,312 operations at naaresto ang aabot sa 30,888 drug addicts at nakumpiska ang droga na nagkakahalagang P17.2 bilyon. Wow na wow!
Sa loob ng anim na buwan, nakumpiska ng mga PNP anti-drug units ang P15.39 bilyon na shabu, P417.9 milyon na tuyong dahoon ng marijuana, P1.15 bilyon na marijuana plants, P4.2 milyon na cocaine, P9.5 milyon na ecstasy at P243.4 milyon na ketamine. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang mga bataan ni PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta ang nanguna sa anti-drug campaign sa panahon ni Marbil sa pamamagitan ng pagkumpiska ng P13.77 bilyon na droga, samantalang sumunod ang mga bataan ni Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na humakot naman ng P10.39 bilyon.
Ang pangatlo sa listahan ay ang PRO-BARMM na may P5.82 bilyon na nakumpiskang droga. Sina Matta at Lucas ay miyembro ng PNPA Class ’95, kung saan si Marbil ay adopted member nila. Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ang matagumpay na kampanya ng kapulisan vs droga, ay closely aligned sa PNP’s overarching vision na, “Mahusay, Matatag, at Maasahan na Kapulisan,”- a modern Filipino Police Force for a modern Filipino Society,” ani Marbil. Abangan!
- Latest