Makati: Tungo sa mas maunlad at mas maginhawang bukas
Alam n’yo, tuwing nakakatanggap tayo ng mga parangal o pagkilala, hindi ko maiwasang mapangiti at mapaisip “Wow, ang galing talaga ng mga taga-Makati!” Hindi ito tagumpay ng lokal na pamahalaan lang; ito ay tagumpay nating lahat.
Kaya’t ngayon, gusto ko lang magpasalamat mula sa kaibuturan ng puso ko sa bawat isa sa inyo—sa mga negosyante, residente, at lahat ng stakeholders na walang sawang sumusuporta at nagtitiwala sa ating lungsod.
Kamakailan, kinilala ang Makati bilang Top 1 sa buong Pilipinas pagdating sa fiscal autonomy at per capita spending para sa mga taong 2022 at 2023. Sobrang nakaka-proud, di ba?
Sabi nga ng Department of Finance, tayo ang nangunguna sa buong bansa pagdating sa lokal na kita ibig sabihin, higit 90 percent ng ating pondo ay galing sa mga lokal na buwis at kita. Hindi tayo umaasa sa ibang tulong kaya natin magpatakbo ng lungsod nang mas maayos, mas mahusay, at mas independent.
Proud Makatizens, ginagawa natin ito better than anyone else!
At dahil dito, nagagawa nating i-invest nang malaki ang kita ng lungsod pabalik sa inyo. Alam n’yo ba na sa bawat Makati resident, may P24,000 na nagagastos ang lungsod para sa iba’t ibang serbisyo noong 2022? At halos ganyan din ang naitala noong 2023! Lahat ito ay nagagamit sa mga proyekto’t programang direkta kayong nakikinabang mula sa edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at iba pa. Sa Makati, we aim to do things better para mas ramdam ninyo ang mga serbisyong hatid ng lungsod.
Kaya sa lahat ng mga bagong negosyante at sa mga patuloy na nagtitiwala sa ating lungsod maraming salamat. Nakapagparehistro na tayo noong Agosto ng 3,900 bagong negosyo at nakapag-renew ang higit sa 34,000 negosyo na may combined gross sales na umaabot ng P1.87 trillion. Grabe, nakakabilib ang sipag at tiyaga ng ating business community!
Pero siyempre, hindi lang ito tungkol sa kita at buwis ito ay tungkol sa pagbibigay ng mas maginhawa at mas better na buhay sa bawat Makatizen. Sa mga repormang ginawa natin, mas mabilis na ang proseso ng pagkuha ng business permits, mas madali ang pagbabayad ng buwis, at mas efficient ang mga serbisyo ng pamahalaan. Gusto nating gawing simple, mas mabilis, at better ang bawat serbisyong ibinibigay ng lungsod para sa lahat ng mamamayan.
Kaya’t muli, Proud Makatizens, saludo ako sa inyo! Ang tagumpay ng Makati ay bunga ng sama-sama nating pagsusumikap. Hindi tayo titigil sa pag-asenso, at patuloy tayong magtutulungan para sa mas maliwanag at better na kinabukasan ng ating lungsod.
- Latest