Sino ang karapat-dapat sa Pangasinan?
NAGSIMULANG maglingkod si Pangasinan Governor Ramon Guico III noong 2022 at marami na siyang naisakatuparan para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.
Napaunlad ang industriya ng asin nang itayo niya ang Pangasinan Salt Center sa Bolinao. Sa unang buwan pa lamang ng pamumuno ni Guico noong 2022, itinayo ang pinakamalaking gawaan ng asin sa Pilipinas sa Bolinao na nakagawa ng 6,143.91 metriko-tonelada ng solar salt.
Napaunlad niya ang Pangasinan Laoac Dairy Farm na may 286 gatasang baka at kalabaw. Karamihan dito ay 199 dairy carabaos at 87 dairy cattle na nakapagpo-produce ng 80-85 litrong gatas araw-araw. Mula Enero-Hunyo 2024, kumita ang Pangasinan Laoac Dairy Farm ng P1,799,105.00.
Itinatag niya ang Banaan Pangasinan Provincial Museum. Sa kauna-unanhang pagkakataon, pinatatakbo na ng pamahalaang probinsya ang Banaan Pangasinan Provincial Museum. Nakalagak ang museo sa makasaysayang Casa Real sa Lingayen na nagsisilbing repositoryo ng mga memorabilia ng mayamang kasaysayan ng lalawigan.
Napaunlad din ang Capitol Complex sa Lingayen sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga pinakamahusay na urban planners sa bansa. Hangarin maging destination of choice ng mga Pagasinense, lokal o dayuhang turista at mga bisita. Mayroon itong reflecting pool at interactive fountain.
Sa larangan ng pagpapahalaga sa kapaligiran, kahanga-hanga ang inilunsad ni Guico noong 2023 na Green Canopy Project, kung saan mahigit 300,000 native at fruit-bearing trees ang naitanim.
Karapat-dapat si Guico sapagkat marami pa siyang pangarap para sa kapakanan ng 3.3 milyong Pangasinense.
* * *
Para sa reaksiyon, i-send sa: [email protected]
- Latest