1. Mag-ehersisyo. Ang pag-eehersisyo sa umaga ay nagbibigay ng lakas sa katawan.
2. Kung sobra sa timbang, magdiyeta pero gawin nang dahan-dahan. Iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka manghina.
3. Magkaroon ng sapat na tulog, Kung maaari ay pito hanggang walong oras na tulog na tuluy-tuloy.
4. Sundin and schedule ng pagtulog. Regular na matulog at gumising sa parehong oras araw-araw.
5. Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado nang marami ang trabaho.
6. Iorganisa ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importante. Okay lang na hindi tapusin lahat.
7. Alamin ang mga bagay na nagdudulot ng stress. Bawasan o iwasan ito.
8. Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.
9. Balansehin ang kakainin. Isama rito ang pagkain nang maraming prutas, gulay at whole grain. Kumain ng masustansyang almusal. Huwag magpalipas ng gutom.
10. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.
11. Uminom ng 8-10 basong tubig. Kung ang iyong ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kailangan mong uminom nang maraming tubig.
12. Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot ang may side effect na nagdudulot ng fatigue.