Ang sardinas ay isa sa pinakamasustansiyang pagkain sa buong mundo.
Narito ang mga katibayan:
1. May taglay na Omega 3 fatty acids – Ang sardinas ay sagana sa Omega 3 na nagpapataas ng good cholesterol at pinoprotektahan ang ating puso at ugat. Dahil dito, makaiiwas tayo sa atake sa puso at sa istrok.
2. May coenzyme Q10 – Ang sardinas ay may mataas na lebel ng coenzyme Q10, isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan.
3. May calcium – Ang calcium mula sa sardinas ay nagpapatigas ng ating buto. Kapag sasabayan ito ng ehersisyo, mas titibay ang ating buto at makaiiwas sa osteoporosis.
4. May vitamin D – Ang vitamin D ay tumutulong sa pag-absorb ng calcium ng ating katawan.
5. May vitamin B12 – Napakahalaga ng vitamin B12 para sa kalusugan ng ating mga ugat (nerves), utak, at spinal cord. Ang vitamin B12 ay nagpapalakas din ng katawan at tumutulong sa paggawa ng dugo.
6. May phosphorus – Ang sardinas ay iilan lamang sa mga pagkain na may phosphorus, na kailangan ng ating buto at ngipin.
7. Hindi nakatataba – Dahil mababa sa calories and sardinas, puwede ito sa mga taong nagdidiyeta. Mataas ito sa protina at Omega 3 na nagbibigay sa atin ng energy.
8. Mababa sa masamang mercury – Ang mga maliliit na isda tulad ng sardinas, dilis, hito, galunggong at bangus ay mababa sa mercury at ligtas kainin.
9. Umiwas sa mga isda na mataas sa mercury – Limitahan lang ang pagkain ng lapu-lapu, sea bass at tuna sashimi dahil may kataasan ang mercury ng mga ito.
10. Sardinas na may tomato sauce – Para sa masustansiyang ulam, piliin ang delatang sardinas na may tomato sauce. Bukod sa lahat ng benepisyo ng sardinas, makukuha rin ninyo ang sustansiya mula sa tomato sauce. Ang kamatis ay may sangkap na lycopene at beta-carotene na makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, kanser sa prostate at bituka.
***
Kamote
Maraming benepisyo sa pagkain ng kamote. Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat.
1. May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.
2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahang magpataas ng asukal sa dugo. Puwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.
3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi makakakain nang marami.
4. Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.
5. Meron iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.
6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya katamtaman lamang ang kainin.
7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifidobacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.
***
Saluyot
Ang saluyot ay masustansiyang gulay. Puwede ito sa mga may diabetes, sakit sa puso at may mataas na cholesterol.
Siksik ito sa bitamina at minerals tulad ng vitamin A, C, E, K, Riboflavin o vitamin B2, Niacin o B3, Panthotenic acid o B5, Pyridoxine o B6, Folate o B9, calcium, iron, copper, potassium at iba pa.
Ang kahalagahan sa katawan ng mga bitaminang nakukuha sa saluyot:
1. Ang vitamin K ay bitaminang nakatutulong upang labanan ang pagdurugo.
2. Ang vitamin A at beta-carotene ay para sa mata, balat o skin growth, pagre-repair o pagsasa-ayos ng selula sa ating katawan tulad ng pag-galing ng sugat.
3. Ang vitamin B6 o Pyridoxine ay para makaiwas sa sakit sa mata na dahil sa pag-edad tulad ng age related macular degeneration.
4. Ang vitamin C o ascorbic acid ay napakalaking tulong para sa ating immune system at balat, at upang makaiwas o makapagpagaling sa ubo at sipon at hindi mauwi sa pulmonya o impeksyon sa baga.
5. Ang calcium ay kailangan para mapatibay ang buto, ipin at gilagid.
6. Ang vitamin E ay para lumakas ang immunity, magkaroon ng malusog na buhok at mata.
7. Ang iron ay kailangan para sa malusog na red blood cells. Iluto ito bilang sahog sa diningdeng, inabraw, paksiw, ginisang labong, sa sopas at bulanglang.