^

PSN Opinyon

11 bgy captains sa Pugo, La Union, inireklamo!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

LABING-ISANG barangay captains sa Pugo, La Union ang nireklamo sa Commission on Election (Comelec) ng Save Pugo Movement (SPM) dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Ang mga inireklamong kapitan ay mula sa Barangays Ambalite, Cares, Duplas, Masaoas Norte, Masaoas Sur, Poblacion East, Poblacion West, San Luis, Tavora East, Tavora Proper at Saytan.

Ayon sa SPM, kataka-taka ang biglaang pagdami ng mga nais magpatalang botante sa Pugo. Hindi sila mga residente ng naturang bayan kundi mga taga ibang bayan.

Sa tala, lumobo ng 14,893 ang bilang ng mga botante noong Agosto mula sa dating 12,008.

Napag-alaman sa isinagawang beripikasyon, karamihan sa mga karerehistrong botante ay hindi mga orihinal na residente sa mga barangay, salungat sa isinaad sa barangay certifications ng 11 kapitan.

Sa barangay certifications, malinaw na blanko ito bago ipinamudmod sa “flying voters”. Sila ang gagamitin para manalo ang mga kawatang pulitiko. Nararapat na kumilos ang Comelec para maimbestigahan ang mga barangay captains na ginagamit ng mga pulitiko.

* * *

Para sa reaksiyon, i-send sa: [email protected]

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with