^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naglipana pa rin ang POGO

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Naglipana pa rin ang POGO

Sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na ban na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Kaila­ngan nang itigil ang panggugulo nito sa lipunan.

Pero tatlong buwan mula nang ihayag ang pagpapatigil sa POGO, marami pa rin ang nag-o­operate at tila walang takot sa kautusan ni Marcos. Walang nakikitang pagkabahag ng buntot sa mga nagpapatakbo ng POGO at naglipana pa rin hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa mga probinsiya. Nagsilipat pa sa probinsiya para matakasan ang bangis ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Ang PAOCC ang sumalakay sa POGO hubs na iniuugnay sa napatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Tumakas si Guo noong Hulyo at nagtungo sa Indonesia, Malaysia at Singapore. Nahuli siya sa Indonesia noong Setyembre 4 at nakakulong ngayon sa Pasig City Jail dahil sa kasong human trafficking.

Subalit kahit may mga personalidad nang nakakulong dahil sa POGO at ipinagbabawal na ang operasyon patuloy pa rin ang online gaming at pati ang human trafficking, prostitution, money scam at iba pa.

Noong Miyerkules (Oktubre 4), isang POGO hub ang ni-raid ng mga awtoridad sa Pasay City. Mahigit 200 tauhan ng POGO ang naaresto ng PAOCC, Bureau of Immigration at Pasay City police. Karamihan sa naaresto ay mga Chinese national na sangkot sa love scam.

Noong nakaraang buwan, sinalakay ng PAOCC ang ilegal na POGO hub sa Subic Bay Freeport Zone kung saan dalawang Chinese ang naaresto. Na-rescue naman ang 18 Chinese nationals na biktima ng human trafficking.

May sinalakay ding POGO hub sa Parkview Villages sa Clark Freeport Zone, Mabalacat, ­Pampanga noong nakaraang buwan. Ayon sa PAOCC, ang pagsalakay ay ginawa dahil sa sumbong ng ilang testigo na may iligal POGO operations sa lugar.

Malinaw ang direktiba ni Marcos Jr. na wawalisin ang POGO. Pero tila mahihirapan pang mawalis nang tuluyan ang mga itinuturing na salot sa lipunan dahil marami pa rin ang nag-o-operate hindi lamang sa MM kundi pati sa probinsiya.

Kumilos naman sana ang PAGCOR para maging mabilis ang pagwalis sa mga POGO. Tulungan ang PAOCC para tuluyang mawala na ito sa bansa at mabalik ang katahimikan.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with