Panahon ngayon nang maraming “karagatan”.
These are rough seas to sail. Excuse me po sa aking play on words pero gusto ko lang libangin, at kung maaari ay patawanin kayo habang tumatalakay tayo sa importanteng isyu ng papalapit na eleksyon.
Mukhang nalihis na ang atensyon ng mga “captains of governance” ng bansa mula sa issue ng West Philippine Sea tungo sa kanilang candida-”sea” para sa midterm election sa susunod na taon.
Pagdating ng kampanya, makaririnig na naman tayo ng matatamis na pangako. Yun bang mala-paraisong kalagayan which the people will never “sea.” Ka”sea”, yung ibang nagwawagi ay hindi kapakanan ng taumbayan ang aa-sea-kasuhin king magiging Bi-sea na sila sa pagpapataba ng sariling lukbutan.
Sa maraming pagkakataon ay nagtatanong tayo: bakit yung mga tapat, may kakayahan at matitinong kandidato ay hindi nagwawagi.
Yung ibang matino sa first impression natin ay nilalamon ng corrupt “seastem” kalaunan. Sa panahon ngayon, disappointed tayo sa ilang ibinoto natin noon na ngayo’y naging kontrobersyal sa pagkakadawit sa iba’t ibang anomalya.
Pagkatapos mapatunayang dawit sa anomalya ang mga pinili natin, tatanungin natin ang ating mga sarili: “ano mali sa nagawa ko?”
Nasaan na ang mga politikong naniniwala na honesty is the best poli-“sea”? Mahalaga na mature and bawat Pilipinong bumoboto na kumilatis sa ihahalal nila. Kapag mali ang iniupo natin, nasa huli ang “pag-sea-sea-sea.”