Policewoman recruit, hinalikan at nilamas ng police colonel

NILASING ng isang police colonel ang isang policewoman recruit, dinala sa air-conditioned na kuwarto sa firing range ng PRO12 at hinalikan at nilamas ang maseselang parte ng katawan. Pulis na naman? Mabuti na lang at naka-chat ang biktima sa kanyang mga kapwa trainee at pinasok ang kuwarto. Hindi natuloy ang masamang balak ni Sir na taga-Davao subalit naka-assign sa PRO12.

Ang siste, hindi maaksiyunan ni PRO12 director Brig. Gen. James Gulmatico ang kaso ng police recruit. Magkano….este paano? Sanamagan! Kasi nga naman, sa Senate at Congress hearing, palaging mga pulis ang tinuturong nasa likod ng samu’t saring kaso at hindi maganda na nasama pa itong kaso ng police recruit. Dipugaaa!

Panay na nga utos ng imbestigasyon ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at nakadagdag pa itong kaso ng recruit. Ano ba ‘yan? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ganito ang pangyayari Gen. Marbil Sir ayon sa mga nagsusumbong na mga kosa ni Dipuga. Tuwing Huwebes pala, after ng Pulisteniks, kasado na ang inuman sa reloading of ammunition room sa firing range ng PRO12. Pinainom ni Colonel ng Soju, beer at black label ang target niyang police trainee.

Siyempre, para malasing ang biktima, panay sigaw ng tangero ng “bottoms up show clear.” Ibig sabihin nito Gen. Marbil Sir, walang matitirang ni katiting na alak sa baso. Get’s n’yo mga kosa? Siyempre, lupaypay si Ineng sa kala­si­ngan dahil hindi naman ito manginginom.

Dito na at pinasok ni Colonel si police recruit sa air-con room ng taga-manage ng firing range at inabuso. Mabuti na lang at save by the bell ang biktima. Sinabi ng mga kosa ko na deadma lang si Gulmatico sa kaso? Anyare? Kaya si Marbil na lang ang hahabol dito kay police colonel­. Hehehe! Sana madismis na si colonel para di na tularan pa ng iba.

Idinagdag pa ng mga kosa ko na may kaso ring ganyan si colonel ng ma-assign siya sa Davao. Kaya itinapon siya sa PRO12 at mukhang walang ipinagbabago ito. Dapat masampolan ni Marbil si colonel para hindi na pamarisan pa, di ba mga kosa? Ang sakit sa bangs nito. Pero maraming nakatagong kaso pala ng sexual harassment sa PRO12 na dapat alamin ni Marbil at parusahan ang mga maysala. Hindi kasi magandang halimbawa ito sa ngayong seryosong nililinis ni Marbil ang hanay ng PNP. Get’s n’yo mga kosa? Ayon sa mga kosa ko, maraming tiwaling pulis sa PRO12 at ang nadudurog ay ang pangalan ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. Araguyyy!

Ayon sa sumbong, may opisyal pala sa PRO12 na dating nasuspende sa kasong sexual harassment at acts of lasciviousness. Ang asawa nitong opisyal ay palaging nagsa-shopping, na hindi naman illegal, maliban lang kung gamit ang pitsa ng PNP. Eh di wow!

May isa pang colonel na nabuntis ang tao n’ya sa opis kaya’t hayun itinago n’ya sa kanyang quarters. Marami ring “lubog” o 15-30 na pulis sa PRO12 at ewan ko lang kung sino ang kumikita? Kapag hindi pa malinis ni Gulmatico itong kanyang hurisdiksiyon, tatamaan siya ng ibinulgar ni Lt. Col. Jovie Espenido na ang “PNP ang biggest crime syndicate sa Pinas.” Abangan!

Show comments