^

PSN Opinyon

Palatandaan nang lumalaking prostate

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KARAMIHAN ng mga lalaking edad 45 pataas ay nagka­karoon ng bahagyang paglaki ng prostate. Ito’y dala ng pag­babago sa hormones ng lalaki kapag nagkakaedad.

Ang prostate ay organ na kasinglaki ng kastanyas. Nakabalot ito sa labasan ng ihi ng lalaki. Ang sintomas nang luma­laking prostate ay ang madalas na pag-ihi, at pakonti-konti ang labas. Humihina rin ang daloy ng ihi at parang hindi kum­pleto ang pag-ihi.

Sa mga may edad, madalas silang gumising sa gabi para umihi.

Narito ang mga paraan para maalagaan ang prostate:

1. Huwag pigilin ang ihi. Mahihirapan ang pantog at bato.

2. Uminom ng walong basong tubig sa isang araw para manatiling malinaw ang ihi.

3. Ugaliing kumain ng kamatis, ketchup, tomato sauce at spaghetti sauce. Mataas ito sa lycopene. Kailangang ku­main ng 10 kutsarang spaghetti sauce bawat linggo.

4. Uminom ng green tea (decaffeinated) sa halip na kape. Panlaban sa kanser ang green tea at nagtatanggal ng toxin sa katawan.

5. Kumain ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng gulay at prutas.

6. Kumain ng isda kaysa karne.

7. Umiwas sa matataba at matatamis. Iwas sa softdrinks, iced tea at cakes.

8. Umiwas sa alak at kape dahil nakaiirita ito ng prostate.

Paano gamutin? Ayon sa Journal of the American Me­dical­­ Association (JAMA), ang pag-inom ng saw palmetto ay naka­babawas sa sintomas ng lumalaking prostate. Ang saw pal­­metto ay napatunayang kasing-epektibo ng gamot na finas­teride (brand name Proscar) na nirereseta ng doktor.

May tulong din ang mga natural remedies tulad ng py­geum, nettle root at pumpkin seed oil para sa prostate. Uminom din ng multivitamin na may zinc.

PROSTATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with