Sa unang pagsabak niya sa pulitika, naranasan kaagad ni Kat Pimentel ang masakit na katotohanan. Ang huwag magtiwala sa pulitiko. Sa pulitika, ang salita ay dapat may bigat o sa Español, dapat may “palabra de honor”. Kung ano ang napagkasunduan ng dalawang panig ay dapat tuparin ng bawat isa.
Subalit si Pimentel ay iniwan sa ere ng kaalyado niya. Kaya lumalabas na ang palabra de honor sa ngayon ay hindi na uso sa mga pulitiko. Ang ganitong klaseng pamumulitika ay hindi dapat tularan—ang walang malasakit, walang palabra de honor, at walang tunay na pagseserbisyo. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Unang pagsubok mo lang ‘yan Mam Kat! Mismooo!
Matatandaan na si Pimentel, at asawang si Sen. Koko Pimentel ay nakipag-alyansa sa kampo nina Marikina Mayor Marcy Teodoro at Rep. Maan Teodoro nitong pagpasok ng taon. Ang usapan, si Mrs. Pimentel ang tatakbong congresswoman sa District 1 kapalit ni Mam Maan na tatakbo bilang mayor kapalit sa asawang si Marcy, na nasa 3rd and last term na.
Si Marcy naman ang tatakbong kinatawan ng District 2. Kaya nagpalipat na si Mayor Marcy ng address mula District 1 papuntang District 2 para wala nang sagabal sa kanyang pagtakbo.
Ang mabigat lang, ang makakalaban ng mga Teodoro ay ang mag-asawang Miro at Stella Quimbo, na patok sa Marikina. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa unang bahagi ng taon ay magkasama ang magkaalyansang Teodoro at Pimentel sa paglilibot sa lahat ng sulok ng Marikina. Todo endorso ni Mayor Marcy kay Kat. Ang alam nang maraming botanteng Marikenyo, kasado na ang plano at hinihintay na lang ang October 5 para sa filing ng certificate of candidacy. Eh di wow!
Ngunit matapos ang maikling alyansa, pagbuhos ng pondo at suportang galing sa mga Pimentel, lumabas ang balitang tatakbo si Mayor Marcy bilang kongresista sa District 1 ng Marikina at kahaharapin si Pimentel. Nasira kaagad ang alyansa ng dalawang pamilya. Araguyyy!
Paano na ang pinag-usapan na si Kat Pimentel ang tatakbo sa District 1? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan!
Ang basa ng mga kosa ko sa Marikina, magulang ang kampo ng mga Teodoro. Naniniguro sila na may matira sa kanila, dahil mukhang malakas ang mag-asawang Quimbo, kahit inuulan ng bad media si Titser Stella, ang peborit friend ni VP Sara Duterte.
Si Miro naman ay sumanib na sa Lakas-CMD ni Speaker Martin Romualdez kaya tiyak malakas ang suporta sa kandidatura niya. Kapag nasilat ni Titser Stella si Mam Maan sa pagka-mayor at tinalo rin ni Miro si Mayor Marcy sa District 2, abayyy nganga na ang mga Teodoro.
Kaya lumipat si Mayor Marcy sa District 1 dahil sa tingin n’ya mas madaling talunin si Pimentel? Ang sakit sa bangs nito!
Kaya lang dahil ginulangan nila si Pimentel, baka mag-backfire lalo ito kay Mayor Marcy. Alam n’yo naman ang mga botanteng Pinoy, mahilig sa underdog. Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!