Puwede bang mademanda ng panggagahasa ang isang tao na nakipagtalik sa kanyang tinuturing na nobya? Ito ang sasagutin sa kaso ni Manny.
Ang biktima rito ay si Letty, 16, at nagtatrabaho sa kantina ni Gina bilang “stay-in” waitress. Nakatira rin sa canteen ni Gina ay ang kapatid na si Dolly at asawa nitong si Manny. Galing sila sa probinsiya at pumunta sa Manila upang dito manganak si Dolly.
Isang alas dos ng madaling araw, habang natutulog pa si Letty, naramdaman niyang may katabi siya. Paggising niya nakita niya si Manny na agad siyang pinatungan. Sinubukang sumigaw si Letty at tinulak at sinipa si Manny ng ilang beses. Ngunit ang mas malakas na si Manny ay nagtagumpay na gahasahin siya.
Binalaan nito si Letty na huwag ipaaalam sa iba ang nangyari sa kanya kundi ay papatayin siya at kanyang pamilya. Pagkaraan ay iniwan na siya ni Manny at dahil sa takot napaiyak na lang siya hanggang madaling araw.
Nang buwan ding iyon umamin na si Letty sa kanyang mga magulang sa probinsiya na buntis na. Noong nadiskubre ito ng kanyang magulang dinala siya sa hospital para ma-examine at pagkaraan ay pumunta sa pulis kung saan siya ay nagsabi ng nangyari sa kanya.
Ibinigay ng pulis sa fiscal para magsampa ng reklamong laban kay Manny kasama ang nanay niya. Samantala nanganak na si Letty.
Sa pagdinig ng kaso, inulit ni Letty ang nangyari sa kanya. Ngunit ito ang kuwento ni Manny. Itinanggi niya na ginahasa niya si Letty at sinabi niya na magkasintahan sila ni Letty.
Sabi niya nakilala niya si Letty sa canteen ng limang buwan bago mangyari ang insidente at niligawan na niya si Letty hanggang naging magkasintahan na sila at nagkaroon nang maraming pagtatalik bago at pagkaraan ng paggahasa, ang huli ay sa bahay ng kapatid ni Letty.
Kinumpirma ang kanyang kuwento ng tatlo pang saksi na nakita silang nagliligawan.
Ngunit mas pinaniwalaan ng RTC ang salaysay ni Letty at sinentensyahan si Manny ng kamatayan ayon pa sa batas noon na umiiral noon. Inutusan din ng RTC si Manny na kilalanin at kupkupin ang dalawang anak ni Letty.
Sa otomatikong pagsusuri ng Korte Suprema (SC) ginamit ni Manny ang kanilang pagtatalik ay kusa dahil magkasintahan na sila.
Pero ayon sa SC nagsabi talaga si Manny ng panggagahasa o “rape” at pinaniwalaan ang kuwento ni Letty na tumestigo nang malinaw, tama at nakakakumbinsing kuwento ayon sa mababang hukuman.
Sabi ng SC na hindi napatunayan ni Manny na sila’y magkasintahan na dahil wala naman siyang suporta rito sa pamamagitan ng mga liham, litrato at iba pang mga pag-alaala.
Bukod dito, sabi ng SC na hindi gagawa si Letty ng kwento ng panggagahasa at mag-iskandalo at kahihiyan.
Itinuturing na ang Pilipina lalo na ang mga probinsiyana, mahirap paniwalaan na ang biktima ng rape ay mag-iimbento ng kuwentong kahiya-hiya at maglalapastangan ng kanyang pagkadalaga. Walang Pilipina ang lalantad at aamin na siya ay nagahasa kundi ito totoo, sabi ng SC.
Bukod dito, kahit na talagang magkasintahan sina Letty at Manny, hindi ito magpapatunay na wala talagang rape na nangyari o pinuwersa lang si Letty na makipagtalik.
Ang isang lalaki ay hindi magpipilit na gahasain ang kanyang kasintahan at gumamit ng dahas sa pamamagitan ng pag-ibig, ang pag-ibig ay hindi lisensiya upang gumamit ng dahas sa pagtatalik.
Kaya talagang may sala ng walang kaduda-duda si Manny ng rape. Pero ang kanyang parusa ay panghabambuhay sa kulungan lang at di kamatayan sapagkat wala namang iba pang sirkumstansya na magpapabigat sa kanyang ginawa.
Hindi rin dapat na utusan siya na kilalaning anak niya ang dalawang anak ni Letty. Dapat lang utusan siyang suportahan ang mga ito (People vs. Manahan, G.R 128157, September 29, 1999).