^

PSN Opinyon

‘Doktor’ na nag-opera sa ari ng lalaki, nabistong hindi nakatapos ng high school!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG pekeng doktor sa Thailand na nagsasagawa ng penis enlargement procedure ang inaresto matapos mabisto na hanggang Grade 9 lang ang natapos nito sa pag-aaral!

Inaresto noong isang linggo sa isang sting operation ang 36-anyos na si Kittikorn Songsri matapos itong mabisto na nagsasagawa ng penis enlargement procedure kahit wala naman itong lisensiya bilang doktor.

Naganap ang pag-aresto sa townhouse ni Songsri sa Samut Sakhon sa central Thailand, kung saan niya isinasagawa ang kanyang mga operasyon. Napag-alaman na dalawang dekada ng ginagawa ito ni Songsri ngunit ngayon lang nalaman ng mga awtoridad ang tungkol sa ilegal na clinic nito matapos magreklamo ang isa sa mga naging pasyente nito na nakaranas ng malalang impeksiyon sa ari.

Sa naturang sting operation, nakipagtulu­ngan ang Samut Sakhon police department sa Department of Health Service Support kung saan may undercover agent na nagpanggap bilang pasyente.

Nang dinala na sa townhouse ang undercover at sisimulan na ang operasyon, inaresto na si Songsri at ni-raid na ang lugar nito. Matapos maaresto, umamin si Songsri na 14-anyos siya at nasa Grade 9 nang matutunan niya ang pagsasagawa ng penis enlargement.

Simula noon, tumigil na siya sa pag-aaral at ito na ang ginawa niyang hanapbuhay. Napag-alaman na nakakakuha ng pasyente si Songsri sa pamamagitan ng pag-aadvertise sa mga social media websites at mula roon ay nagkakaroon siya ng dalawa hanggang tatlong pasyente sa loob ng isang buwan.

Sinisingil niya ang mga ito ng 5,000 baht (katumbas ng 8500 pesos) hanggang 20,000 baht (34,000 pesos) depende sa ipinagagawang procedure.

Sa kasalukuyan, sinampahan na ng kasong “running an unauthorized medical clinic” at “providing medical services without a license”. Bukod dito, sasampahan din siya ng kaso ng dati niyang pasyente na nakaranas ng impeksiyon sa ari na naging sanhi para magkaroon ito ng permanenteng erectile dysfunction.

vuukle comment

FAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with