^

PSN Opinyon

POGO raid sa Parañaque, pinapasilip sa Quadcom!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAPAT paimbestigahan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang raid sa POGO sa Parañaque City dahil sa report na may hokus pokus na nangyari dito. Sa biglang tingin, magandang accomplishment ito at maaring maka­ka­tulong sa pag-ahon ng imahe ng PNP, na sumadsad ma­tapos masangkot ang ex-PNP chief sa pagtakas ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Subalit ang umiikot na Marites sa Chinese community ay napitsa ang lakad, na maaring makadagdag sa pagbaho ng muli ng imahe ng kapulisan. Get’s n’yo mga kosa? Sa totoo lang, marami ang nag-take advantage dito sa kautusan ni President Bongbong Marcos na isara na ang POGO sa Pinas.

Sana iutos ni Marbil sa Internal Affairs Service (IAS) na imbestigahan ang POGO raid sa Parañaque para lumu­tang ang katotohanan ang mabura na ang pitsa-pitsa isyu na kumakalat sa Chinese community. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ng mga kosa ko na matagumpay naman ang raid ng NCRPO, Pagcor at BID sa Centrium 1 sa Parañaque City at madaming Chinese at Pinoy na empleyado ng POGO ang inaresto.

Para sa kaalaman ni Marbil, ang balita sa Chinese com­munity ay ini-release kaagad ang big boss ng POGO sa halagang P20 milyon samantalang ang isa pa ay P3 milyon. Araguyyyyyy!

Matapos nito, dinala ang aabot sa 50 empleyadong Chinese ng POGO sa Bicutan at kada isa ay hiningan ng tig-P1 milyon para makalaya. At higit sa lahat, na-hold ang mga Chinese sa Bicutan ng aabot sa isang linggo na walang kaso na nai-file. Tsk tsk tsk!

Teka, teka lang, may pitong Toyota Alphard pang nawawala at ewan ko lang kung sino ang kumuha nito. Ayaw ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez ng sistemang ito. Kaya nga nagdeklara si Nartatez ng “no take policy” dahil ayaw n’ya ng pitsa galing sa sugal lupa at sa kinita sa ma­samang paraan. Mismooo! Hehehe! Nabudol kaya si Nartatez sa POGO raid?

Subalit sinabi naman sa sport report, na sinalakay ng RSOG, Pagcor at BID ang 9th Floor, Centrium Tower 1, L. San Pedro corner J. Maceda, Baclaran, Paranaque para mag-serve ng computer related fraud.

Inaresto sina Nan Shan, ang manager ng AIA company; Detu Su, owner; Wu Jian Bin, Supervisor; 50 Chinese nationals, 4 Malaysians,  2 Myanmar nationals, tig-sang Indonesian at Vietnamese at 32 Pinoy. Ang mga raiders ay armado ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Victoria Soriano- Villadolid ng Branch 24 ng Manila RTC.

May suspetsa kasi na ang kompanya ay nasa likod ng cryptocurrency Investment Scam, love scam at “guised as a licensed Offshore-Gaming Operator. Iminuwestra pa ng mga raiders kung paano na-scam ng kompanya ang kanilang mga biktima. Hayan, malinis ang trabaho ng raiders ha? Saan ang anggulong pitsaan? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Dapat sigurong imbitahin ng Quadcom itong mga raiders at may-ari ng POGO para magkaroon ng liwanag sa isyu. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with