^

PSN Opinyon

Katuparan ng pangarap...Casa Dalisay Farm

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang matagumpay at inspiring na buhay sa pagtatanim ng ampalaya ng dating reporter, naging Under Secretary ng Department of Social Welfare Development (DSWD) at ngayon ay Chief of Staff (COS) ni ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo.

Ang aking tinutukoy ay si COS Jerico Javier, na siyang may-ari ng Casa Dalisay Farm na makikita sa Sitio Calero, Brgy Bungahan, Lian Batangas.

Ang Casa Dalisay Farm ay katuparan ng pangarap ni COS Jerico.

“Bata pa ako ay mahilig na ako sa pagtatanim ng gulay. Pa-ngarap ko talaga ay magkaroon ng farm, kay buti ng Panginoon at ibinigay sa akin ang aking minimithing farm,” ani COS Jerico.

Aniya, agad niyang nilinang ang kanyang nabiling lupa, kumuha siya ng staff na tutulong sa kanya sa pagtatanim.

“Nag-eenjoy ako sa pagtatanim, kung baga sa cellphone ito ang charger ko, kapag lowbat ako sa trabaho sa Metro Manila ay uuwi ako sa farm,” pahayag ni COS Jerico.

Aniya, nagtanim sila ng ampalaya dahil 45-days lang ay makakaani ka na. Sa una pa lamang na pagtatanim ng ampalaya ay tumama agad si COS Jerico dahil nabawi na niya ang kanyang nagastos mula sa seeds, balag, pataba iba pa.

Mahigit sa tatlong buwan na ngayon ang edad ng mga tanim na amplaya sa Casa Dalisay pero patuloy pang naglalabas ng magandang bunga.

“Ang pinakamasarap sa pagtatanim ay kapag sumapit na ang pag-ani, dahil makikita mo ang inyong pinagpaguran,” pahayag ni COS Jerico

Ayon kay COS Jerico, pagkatapos ng season ng ampalaya ay magtatanim naman sila ng sili dahil may direktang buyer na siya, gayundin ng pipino, upo, patola, sitaw at iba.

“Ang Casa Dalisay ay hinango sa pangalan ng aking ina bilang tribute ko sa kanya,” ani COS Jerico.

Aniya, nagsimula lang ang Casa Dalisay Farn sa 500 square meter na kanyang tinayuan ng resthouse, ngayon ay nasa 1,700 square meters na ito.

“Libangan ko lang ang pagtatanim, naaaliw ako nare-recharge at may kita pa,”  ani COS Jerico.

Hindi problema ni COS Jerico ang pagbebenta ng kanyang mga aning ampalaya.

“Nakakatuwa dahil ang aming mga ani ay pinupuntahan mismo ng mga buyer,” pahayag pa ni COS Jerico.

Marami nang bumibisita sa Casa Dalisay Farm, lalo na ang mga kaibigan at co-employee ni COS Jerico na nagmula sa Metro Manila at malalayong lugar ay dumayo pa sa Lian Batangas para mag-relax dahil sa magandang ambiance at malamig na klima ng panahon dito.

Sa pagbisita ng Masagangang Buhay team sa Casa Dalisay Farm ni COS Jerico, nakita namin ang kanyang mga tanim na ampalaya na kahit papalipas na ay hitik na hitik pa rin ang mga bunga.

May tanim din na okra, mga prutas, alagang manok at pabu si COS Jerico sa Casa Dalisay Farm.

Si COS Jerico ay masasabi kung malayo na ang narating. Malayo pa ang mararating dahil sa kanyang sipag, tiyaga at ginintuang  puso na handang magbigay ng tulong at suporta sa mga nangangailangan.

Iniimbitahan ni COS Jerico ang lahat, lalo na ang mga kapwa em-pleyado ng gobyerno, mga mamamahayag, kabataan, magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kanyang ginagawa.

Nitong Linggo, September 22, 2024 ay umere ang interview kay Jerico at farm tour sa kanyang magandang taniman ng ampalaya at iba pang gulay at prutas sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood, mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Lumi-nares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

DSWD

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with