LUMILIIT na ang pinangingisdaan ng ating mga mangingisda dahil sa panghaharang ng mga Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc. Pero hindi naman nagpapabaya ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Philippine Navy sa pagbibigay ng ayuda at proteksyon sa mga mangingisda. Maging ang PCG ay binu-bully rin ng mga CCG. Dahilan para ang mga barko natin ay masira sa pagbomba ng tubig at pagbangga sa mga ito. Hindi alintana ng mga taga-PCG at BFAR ang piligro sa kanilang mission at patuloy pa rin sila.
Hanggang saan aabot ang pambu-bully ng China? Mahirap sagutin. Mabuti pa kung gumawa na lamang ng mga bagong strategy ang pamahalaan.
Ang Bajo de Masinloc ay nasa exclusive economic zone ng Pinas, subalit patuloy na inaangkin ng mga Intsik at gumamit na sila ng dahas upang mapalayas ang mga Pinoy sa WPS.
Kung naipukos ng mga mambabatas ang iskandalo sa mga teritoryong nasa loob ng EEZ, malamang walang kaguluhan. Tiyak, mabibigyan ng tamang sulusyon sa pamamagitan ng mga legal na proseso at paghingi ng tulong sa ibang bansa particular sa United States.
Sapantaha ko, may koneksiyon sa operasyon ng POGO sa bansa ang nangyayaring tensiyon sa WPS. Dapat ipukos ng mga mambabatas ang kanilang imbestigasyon sa mga dayuhang naglungga sa bansa na ang gawain ay maghasik ng krimen.
Ang mahirap lang, may mga Pinoy na may mga katungkulan pa sa pamahalaan ang nagbibigay ng proteksyon sa mga dayuhan kapalit ang paldo-paldong pera. Dapat silang walisin pagdating ng halalan 2025 at 2028.
Nalaman ko, karamihan sa mga nagbigay ng proteksiyon sa mga dayuhan ay mula sa Davao. Hindi na kataka-taka ito at tiyak magpapatuloy pa. Abangan!