^

PSN Opinyon

Umaray si Bato

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tingin ko naman, may katuwirang mag-react si Sen. Bato dela Rosa sa sinabi ng isang opisyal ng PAGCOR na isa raw dating PNP chief ang sinuhulan ng malaking halaga ni dating Bamban Mayor Alice Guo upang makatakas mula sa Pilipinas.

Sa pagpapatuloy ng hearing ng Senado tungkol sa pagkakasangkot ng sinipang alkalde, ibinunyag ni PAGCOR­ Vice President for security monitoring sector - Raul Villa­­nueva na may nakalap silang impormasyon na isang dating­ PNP chief ang kasabwat sa pagtakas ni Guo at ibang kasamahan na binayaran ng milyones.

Bukod pa iyan sa umano’y mataas na opisyal ng Bureau of Immigration na tumanggap ng P 200 milyon mula kay Guo kaya nakaalis ng ating bansa.

Uminit ang ulo ni Sen. Bato at sinabing baka siya ang akalain ng tao na tumulong kina Guo dahil siya’y retiradong PNP chief. Normal reaction iyan totoo man o hindi.

Kung hindi siya, ano dapat niyang ipangamba? Hindi raw alam ng PAGCOR official kung magkanong suhol ang iti­napal sa dating hepe ng PNP.

Pero korek si Bato. Malamang na siya ang hinalain ng mga makakarinig sa testimonya ng public official na nag-facilitate sa pagpuga ng tropa ni Guo na pawang nasasangkot sa illegal na POGO.

Ang hirap kasi sa usapin ito, bagamat lehitimo at naka­taya ang interes ng mamamayan, may posibilidad na mabahiran ito ng politika lalo pa at malapit na naman ang midterm election.

Kapag may eleksyon, laganap ang demolisyon!

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with