^

PSN Opinyon

Isko Moreno, patok sa Manilenyo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MALAKASANG hokus-pokus ang kailangan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan para maitaob niya ang mahigpit na katunggali na si ex-Mayor Isko Moreno sa darating na 2025 elections. Bakit? Nag-iikot na kasi si Isko sa kung saan-saang sulok ng Maynila, at ang masamang balita para kay Mayor Honey, ay dinudumog ito ng kanyang supporters. At habang nag-iikot si Isko, sinasalubong pa ng sumisigabong sigawan din ng mga Manilenyo na, “Bumalik ka na.”

Habang nag-iingay ang kampo ni Isko maging sa social media, tahimik lang ang kampo ni Mayor Honey. Ano ba ‘yan? Sinabi naman ni kosang Albert Juan na may ginagawa rin naman ang kampo ni Honey kaya lang hindi ito napa-media. Ayaw gumastos? Eh di wow! Ang sakit sa bangs nito!

Samantalang ang kampo naman ni Isko ay panay paluwal­ at hindi naman bawal pa ito ayon kay Comelec Chairman­ George Garcia. Ayon sa mga kosa ko, ang mga barangay chairman sa Maynila ay matic na tig-P20,000 ang premyo­ ni Isko. Kung mayroong 896 chairman sa Maynila, abayyy magkano aabutin ito? Do the math, mga kosa? Eh kung ang barangay secretary, treasurer, at ex-O ay tig-P5,000, malaking pera rin ito.

Hindi lang ‘yan, ang mga lupon, kagawad at mga lowly barangay officials naman ay tig-P1,000. Napakalaking pera na ang pinakawalan ni Isko, kung totoo ito, di ba mga kosa? Hindi lang pamimigay ng pitsa ang gimik ni Isko kundi ma­rami pa dahil dating artista ito. Si Honey kaya may gimik din sa pamimigay ng pitsa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang tanong na umiikot sa ngayon sa Maynila ay sino ang nagba-bankroll ng kandidatura ni Isko? Si San Miguel CEO Ramon Ang kaya, si billionaire Enrique Razon o si POGO King at Taipan Kim Wong? None of the above tiyak, di ba mga kosa?

Iginiit pa ng mga kosa ko na hinding-hindi gagastusin ni Isko ang kinita niyang milyones nung tumakbo siyang presidente noong 2022 national elections. Di ba nagbayad nga siya ng buwis dito para maging legal ang pag-akyat ng pitsa sa account niya sa banko? Nalampasan naman ni Isko ang masalimuot na batas patungkol sa election contribution na ito, di ba mga kosa? Dahil wala naman siya sa puwesto sa ngayon, wala namang ibebenta na ari-arian si Isko para suportahan ang kandidatura niya, tulad ng kanyang ginawa sa palengke sa Divisoria noong mayor pa siya. Araguyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kahit sangkatutak pang isyu ang ibato kay Isko, hindi naman tumatalab dahil parang nagayuma niya ang mga botante sa Maynila. Bakit? Kasi nga kahit sino ang tanungin, lalo na sa hanay naming joggers sa Piña St. sa Sampaloc, puro Isko sila. Maging ang tanders na na-survey ko, lalo na si kosang Boni, ay Isko rin.

Anong magic meron si Isko? Ang malimit na kasagutan na narinig ko ay “maluwag sa pitsa si Isko.” Si Honey kaya? Tsk tsk tsk! Malayo pa naman ang May elections kaya’t may panahon pa si Honey na baguhin ang kanyang sistema para makuha ang basbas ng mga botante. Sanamagan! Abangan!

MANILENYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with