^

PSN Opinyon

Mga sugalan sa Cagayan Valley may basbas ng pulitiko at PNP

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang mga illegal na pasugalan sa Cagayan Valley na umaabot hanggang Nueva Vizcaya. Bakit nananaig ang illegal gambling operators sa rehiyon? Simple ang sagot: may basbas ng mga maimpluwensiyang pulitiko at pinababayaan naman ng Philippine Natonal Police (PNP). Walang ginagawa ang mga tagapagpatupad ng batas para sugpuin, bagkus ay kinukunsinti pa.

Ang pasugalan ni Jerry Melad sa Tuguegarao City, Cagayan ay nagpapatuloy hanggang ngayon. Hindi siya natitinag kahit binabatikos ang mga namumuno sa siyudad. Wala ring ginagawa ang pulisya roon. Kamag-anak daw ni Melad si PNP Cagayan Valley regional director Brig. Gen. Christopher C. Birung. Kamag-anak din daw kaya ni Melad si Tuguegarao City Mayor Maila Ting Que at Vice Mayor Bienvenido de Guzman kaya pinababayaan itong magpasugal?

Samantala, may pasugalan din sina Elmo Balisi at Edmund Tamayao sa Tuguegarao City.

Kapag hindi nasawata ang illegal gambling sa ­Tuguegarao City, mababansagan itong “mini-casino capital” ng Cagayan Valley.

Sa Rosario, Santiago City, Isabela, may sugalan mismo sa tapat ng eskuwelahan at nasa tabi ng barangay hall.  Ang operator ay kamag-anak ng pinakamataas na PNP official sa Cagayan Valley.

Sa Bagabag, Nueva Vizcaya, namamayagpag ang sugalan ni Maribel Tanchangco. Hindi siya ginagambala ng mga pulis dahil may basbas ng mga namumuno sa probinsiya. Hindi siya kamag-anak ng governor ng Isabela, subalit ipinagmamalaki niya na may kapit siya sa governor ng Nueva Vizcaya. Mayroon din siyang pasugalan sa Alicia, Isabela.

* * *

Para sa comments at reactions, i-e-mail sa: [email protected]

CAGAYAN VALLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with