^

PSN Opinyon

Ilegal na tambakan ng basura, lalaganap muli

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KILALANG walang takot ang hard-hitting media man na ngayo’y Senador Raffy Tulfo. Pero ang pinangangambahan niya nga­yon ay ang pagbabalik ng mga local governments sa Central at Northern Luzon sa paggamit ng illegal dump sites.

Sa kanyang privilege speech noong Martes, tinukoy ng Senador ang pagpapasara sa Kalangitan Sanitary Landfill sa Capas, Tarlac. Kung mangyayari ito, ang mga likido at solid waste mula sa basura ay aagos sa mga ilog at lulubha ang problema sa baha. Sa Oktubre nakatakda ang closure. 

Anang Senador, ito’y isang banta sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan ng dalawang rehiyon. Kabuuang 150 local­ government units (LGUs) at mga industriya, ka­bilang ang private hospitals ang pinagsisilbihan ng moder­nong landfill na ito sa nakalipas na 25 taon. Dito nagta­tapon ng hospital wastes ang maraming ospital sa Metro Manila.  

Ang closure ay atas ng Bases Conversion and Develop­ment Authority (BCDA) at Clark Development Corporation­ (CDC). Nais nitong itigil ang operasyon ng Metro Clark Waste Management Corporation (Metro Clark) sa 100-ektaryang Kalangitan Landfill, kahit sa 2049 pa mapapaso ang kanilang kontrata.

Kinasuhan na nang kriminal at administratibo sina ex-BCDA Chairman Delfin Lorenzana, BCDA President and CEO Joshua Bingcang, BCDA Officer-In-Charge Gizela Kalalo, Clark CDC President and CEO Agnes VST Deva­nadera, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Director Jacqueline Caancan. Basehan ng kaso ang pag-terminate nila sa 50-year lease ng Metro Clark at pinaboran ang 10 waste management companies na makuha ang serbisyo sa basura ng mahigit 30 LGUs mula sa 150 LGU-clients ng Metro Clark. Si Caancan naman diumano ang nagrekomenda ng waste management companies nang walang public bidding. Agrabyado rito ang Metro Clark at ang gobyerno. 

Ipinababawi ni Tulfo sa BCDA at CDC ang pagpapasara at pinagpapaliwanag ang DENR kung bakit pumayag gayong taliwas ito sa polisiya nito. Hiniling din ng Metro Clark sa Ombudsman na patawan ang mga ito ng preventive suspension upang hindi maimpluwensiyahan ang pag-usad ng mga kaso.

Umaasa ang Metro Clark na agad na itatakda ng Ombudsman ang preliminary investigation at ang mga pagdinig.

LGUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with