^

PSN Opinyon

Matigas pa rin si Alice Guo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

WALANG puknat ang imbestigasyon ng Senate at House of Representatives sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at pati ang mga nangyaring EJKs noong panahon ni dating President Rodrigo Duterte.

Iimbestigahan din si KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy makaraang maaresto noong Linggo. Pero sabi ng kan­yang abogado, sumuko raw sa AFP si Quiboloy. Sabagay, kahit ano pa ang nangyari, hawak ng mga awtoridad si Qui­boloy na nahaharap sa maraming kaso gaya ng human trafficking at child abuse.

Pinakakontrobersiya sa lahat si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nakakulong na ngayon sa PNP Custodial Center. Nahuli si Guo noong Setyembre 5 sa Indo­nesia. Una namang nahuli sina Cassandra Ong at isa pang Chinese noong Agosto. Nakakulong din sila.

Malaking bagay ang pagkaaresto kina Guo at Cassandra. Maraming nabibisto sa likod ng POGOs. Sinasabing nagkamal sila nang malaking pera sa operasyon ng POGO.

Pero nang isalang si Guo sa Senado, maraming senador ang nainis sapagkat patuloy itong nagsisinungaling. Maraming tinanong sina Sen. Risa Hontiveros pero pawang pagkakaila ang ginawa ni Guo. Walang napiga ang mga senador.

Ang isang kapaki-pakinabang sa pag-iimbestiga kay Guo at iba pa, maraming nalalantad na mga korap sa pama­halaan. Nang tumakas si Guo sa bansa noong Hulyo, nag-offer umano ito ng P1 bilyon sa isang Chinoy na nag-pro­vide nang masasakyan patungong Indonesia.

Ilang araw naman makaraang maaresto si Guo, sinibak ni PBBM si BI chief Norman Tansingco. Sabi ni DOJ Sec. Crispin Remulla, pinaalalahanan na niya si Tansingco sa mga nangyayaring katiwalian sa tanggapan nito pero hindi raw nagsasagawa ng reporma.

Marami pa raw ulo ang gugulong dahil sa pagtakas ni Guo. Kaya huwag kayong kokorap este kukurap.

Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with