^

PSN Opinyon

Isyu sa class suspension

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

TUWING malakas ang ulan, napupuno ang social media ng ating pamahalaang lungsod at kahit personal kong account ng mga panawagan at komento ukol sa deklarasyon ng sus­pensyon ng klase.

Ilan sa mga paborito kong natatanggap na komento ay “Tulog pa kaya si Mayora?” at “Mayora pagalawin mo ang baso”.

Para sa kabatiran ng lahat, nais kong muling ipaliwanag ang proseso kaugnay sa class suspension.

Ang ating desisyon sa suspensiyon ng klase ay nakabase sa mga datos mula sa sarili nating weather monitoring system, at impormasyon mula sa weather bureaus gaya ng PAGASA.

Kumakalap tayo ng datos mula sa makabagong IRISE UP system, na binubuo ng 50 weather cameras, 18 flood sensors, 13 rain gauges at 130 flood markers. Hindi pa kasama riyan ang monitoring ng bawat barangay at mga CCTV sa maraming lugar sa ating lungsod.

Sa sobrang laki ng ating lungsod, na katumbas ng one fourth ng Metro Manila, hindi maiwasan na may lugar na maulan habang maaraw naman ang ibang parte. Sa panahon ng tag-ulan at kung walang bagyo, hindi tayo puwedeng magpatupad ng city-wide suspension basta-basta lalo na kung sinasabi ng datos na kalat-kalat o pabugso-bugso ang pag-ulan, at sa halip ay localized suspension lang sa mga barangay na maulan o binabaha.

Dalawang klase rin ang panahon sa Pilipinas, dry season­ mula Disyembre hanggang Mayo, at rainy season mula Hunyo hanggang Disyembre. At dahil sa climate change, nagiging mas mainit ang temperatura o kaya naman ay mas malakas ang ulan at matindi ang mga biglaang pag­taas ng tubig lalo na sa mga lugar na dati ay hindi binabaha.

Tuwing may bagyo naman, sinusunod natin ang panun­tunan na inilatag sa DepEd Order No. 37, S. 2022. Awtomatikong suspendido ang klase, in-person at online at trabaho sa mga pampublikong paaralan mula Kindergarten hang­gang Grade 12, at maging Alternative Learning System kung nagtaas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, 2, 3, 4, o, 5.

Suspendido rin ang klase sa mga nasabing mga antas kung nagtaas ang PAGASA ng Orange at Red Rainfall Warning dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Pagdating naman sa mga kolehiyo, awtomatikong suspendido ang klase sa Higher Education Institutions kapag itinaas ng PAGASA sa Signal No. 3 ang Tropical Cyclone Wind Signal, batay sa CHED Memorandum Order No. 15, Series of 2012.

Manatili lang kayong nakatutok sa official Facebook page ng Quezon City government para sa anumang anunsyo ng suspension. Gagawin namin ito pagsapit ng 4:00 ng umaga.

Lahat tayo ay may karapatang maglabas ng saloobin sa social media, ngunit gawin sana natin ito nang may paggalang sa isa’t isa.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with