Endless ambition
Totoo kaya ang nangangamoy na “kudeta” sa Senado na plano ng isang trying hard na ambisyosong senador? Hindi nagkamali ang mga senador na gawing Senate President si Chiz Escudero. Kailangan kasi ng reporma sa Mataas na Kamara.
Nagkasundo ang mga senador na kailangan ng bagong leadership upang iiwas sa marungis na pamumulitika, lalo pa’t papalapit na ang midterm elections kaya ipinalit kay Senator Zubiri si Escudero noong Mayo.
Good results! Nakatuon ngayon sa tamang prayoridad ang Senado. Pero may isang senador ang patuloy na naghahabol sa pagka-Senate Prexy. Dati nang humabol sa mas mataas na posisyon ang taong ito.
Gagawin niya ang lahat para maagaw ang puwesto. Balita ko, naghintay ng dalawang oras ang ambisyosong senador sa labas ng bahay ni House Speaker Romualdez para lang makausap ito.
Trying hard siyang kumbinsihin si Speaker na suportahan ang balak niyang agawin ang Senate leadership. Tama na sana ang ganyang maitim na balak na nagpapalubha sa political situation sa bansa.
Ginawa na niya ito kay dating Senate President Migz Zubiri at ginagawa niya ito ngayon kahit walang matinding rason. Kitang-kita naman ng mga Pilipino ang magandang operasyon at paglilingkod ng bagong Senado.
Talagang desperado na ang senador na ito. Matapos mabigo sa isang tinangkang kandidatura para sa pinakamataas na posisyon at matapos matalo sa kampanya para sa pangalawang pinakamataas na posisyon, hindi pa rin nawala ang pagnanasa sa kapangyarihan.
Mabibigo kaya siya ulit? Abangan!
- Latest