^

PSN Opinyon

PCSO, babaguhin ang buhay ng mga mahihirap na Pinoy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PALALAKASIN ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang kanilang benta at lalakarin na mabawasan ang documentary tax para lumaki ang kanilang pondo sa charity at darami ang mga mahihirap na Pinoy ang makinabang. Hindi lang ‘yan, hihingin din ni PCSO Manager Mel Robles ang kooperasyon ng PNP at NBI para wakasan na ang mga illegal na sugal sa kalye nang sa gayon ang mga Pinoy ay sa palaro na ng ahensiya tataya. Araguyyy!

Itong mga plano ng PCSO ay napag-usapan sa charity summit nitong Huwebes na ipinatawag ni Robles para hi­ngin ang suporta at kooperasyon ng lahat ng stakehol­ders, at para planuhin din ang pagpaunlad ng estrahiya para sa pagdeliber ng charity services sa Pinas. Mismooo!

Napag-usapan din ang mga problemang hinaharap ng PCSO at kung paano matugunan ito. Eh di wow! Nasa tamang landas si Robles dito, di ba mga kosa. Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung sabagay, wala ka ng marinig dito sa PCSO kundi charity dahil mandato naman ng ahensiya ito. Kaya lang kakarampot lang ang pondo nila para dito dahil sa sobrang dami ng binibigyan nila ng ayuda, tulad ng Philhealth, mga foundation at iba pa. Hindi sapat ang pondo ng PCSO sa charity kaya’t nais ni Robles na mapalaki pa ito at ang pag-improve ng serbisyo ang isa sa pamamaraan na kanilang naiisipan. Sanamagan!

At isa pa, nakipag-coordinate na rin si Robles sa Kongreso para mapababaan ang documentary tax ng PCSO mula sa 20 percent hanggang sa 10 percent nang sa gayon matustusan pa ang ibang charity projects ng ahensiya. Dapat unahin ng Kongreso ang kahilingan ni Robles para makinabang ang mga Pinoy, at hindi yung puro pulitika ang nasa isipan nila. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Hiniling din ni Robles kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at NBI director Jimmy Santiago na tuldukan na ang illegal gambling, tulad ng EZ2, lotteng, ending, karera ng kabayo, online games, at iba pa. Kasi nga kapag nagsarahan ang mga ito, ang mga Pinoy ay mababaling ang atensiyon at pagtaya sa mga palaro ng PCSO.

Kapag lumakas kasi ang tayaan sa mga gaming products ng PCSO, natural lang na kikita ang gobyerno at lalaki ang pondo ng charity projects ng ahensiya. Tumpak! Kaya angkop dito ang “no take policy” ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez dahil naghihingalo na ang mga players ng illegal na sugal sa Metro Manila. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Binigyang importansiya ni Robles ang Summit kung saan binigkas niya ang apat na importanteng layunin nito, kasama na dito ang pagpatayo ng “powerful network that transcend boundaries and connecting them to serve the most vulnerable in our society, and provide a platform for knowledge exchange among delegates.”

Maambisyon ang proyekto ni Robles subalit kaya namang ipatupad kapag nagsama-sama ang stakeholders, di ba mga kosa? Kasama rin dito ang pag-identify ng oportunidad para lalong palawakin at pagandahin ang pagdeliber ng serbisyo ng PCSOs charity programs.

Pinansin din sa summit ang pagsubok at iba pang mga prolemang haharapin ng ahensiya, at higit sa lahat kung paano sila makapagbigay ng pagbabago sa buhay ng mga mahihirap na Pinoy. Ganun na nga! Abangan!

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with