^

PSN Opinyon

Nahuli na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAHULI na si Alice Guo sa Indonesia. Dumating na sa Jakarta sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil para sunduin ang dating mayor ng Bamban, Tarlac. Kapag naka­balik na ng bansa ay mananatili si Guo sa Senado dahil sila ang naglabas ng arrest warrant laban sa kanya.

Pero ang nais ng gobyerno ng Indonesia ay ipagpalit si Guo para kay Gregor Johann Haas na nakakulong naman sa bansa dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga­. Mi­yem­bro umano ng Sinaloa cartel na nagtangkang mag­­pasok ng limang kilong metamphetamine o shabu ngayong taon kaya nais siyang ibalik sa Indonesia para humarap sa hus­tisya.

Pero ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla hindi ganun kadali dahil walang death penalty ang bansa habang meron naman sa Indonesia. Kung ibibigay ng bansa­ si Haas sa Jakarta, siguradong bitay ang haharapin niya. Kaya pinag-uusapan pang mabuti.

Anuman ang kalalabasan ng mga usapan na iyan, ang mahalaga ay maibalik si Guo sa bansa. Hindi pa maibi­bigay ng bansa si Haas sa Indonesia dahil may mga hina­harap pang kaso rito. Kapag naibalik naman si Guo rito, nag­pahayag na si President Bongbong Marcos Jr. na sinu­mang mga opisyal ng gobyerno na tumulong para ma­kaalis ng bansa si Guo ay masisibak sa trabaho at kakasuhan. Kaya kung sinuman ang mga taong iyon ay mangatog na kayo.  

Sa Kongreso naman, nauubos na ang pasensya ng mga mambabatas kay Cassandra Ong sa kanyang ugaling mag­salita nang wala sa lugar at ang kanyang “pa-cute.” Hindi rin deretso kung magbigay ng mga sagot at paikut-ikot lang.

Ang kailangang mapagtanto nila Alice Guo, Shiela Guo, Cassandra Ong at ang hindi pa nahuhuling Wesley Guo ay umalis sila ng bansa hindi para magbakasyon kundi para takasan ang mga otoridad, mga mambabatas at ang pana­nagutan para sa mga inaakusa sa kanila.

Inosente sila hangga’t hindi nahahatulan, ayon sa kani-kanilang kampo. Pero kung inosente nga, bakit kinailangang tumakas nang patago? Kung walang kasalanan, bakit ayaw humarap sa mga awtoridad?

Sana ngayong nahuli na sila ay magkaroon na ng mga sagot hinggil sa mga operasyon ng mga iligal na POGO, pati na rin kung paano sila nakatakas ng bansa. Gugulong ang mga ulo, pahayag ni Marcos. Dapat lang.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with