Malapit na ang 2025 midterm elections kaya pinaigting ni Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang kampanya laban sa loose firearms. Hindi lang ‘yan, nais ding sampolan ni Lucas ang mga gun-for-hire o private armed groups at katunayan may natodas na sila sa San Juan, Batangas kung saan dalawang pulis ang nasugatan.
Ang mga gun-for-hire at PAGs mga kosa ay kalimitang kinukuha ang serbisyo ng mga pulitiko para manghasik ng lagim bago mag-election kaya nasa tamang landas si Lucas. Get’s n’yo mga kosa? Kaya sa mga may hawak ng illegal na baril d’yan, isuko n’yo na ang mga ito “for safekeeping” bago kayo bisitahin ng Calabarzon police at maengkuwentro pa. Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito!
Hindi lang naman ang 2025 elections ang pinaghahandaan ni Lucas kundi maging ang pagpasok ng “ber” months. Base kasi sa experience, tumataas ang bilang ng kriminalidad tuwing “ber” months kaya’t ang Calabarzon police ay alerto na dito. Inaamin naman ni Lucas na marami pa ang nagkalat ng samu’t saring baril sa Southern Tagalog, next only sa National Capital Region.
Hindi puwedeng lokohin si Lucas sa figures na ito dahil galing s’ya sa Firearms and Explosive Office kaya alam niya ang kalakaran kapag loose firearms ang pag-uusapan. Eh di wow! Para lalong magiging matagumpay ang kampanya nila versus loose firearms, hinikayat ni Lucas ang komunidad na ireport ang mga gun-for-hire o PAGs sa kanilang mga lugar para ma-neutralize ang mga ito at hindi na makapag-umpisa ng gulo. Dipugaaa!
Habang naka-deploy ang kanyang mga tauhan para sa Bagyong Enteng, nagsagawa naman ng press briefing si Lucas nitong Martes sa Camp Vicente Lim para i-report ang kanyang accomplishments laban sa loose firearms. Aniya, nagsagawa ng 60,332 operations ang kanyang kapulisan mula Enero hanggang Agosto 31 at nakarekober sila ng 2,929 na samu’t saring baril.
Ang accomplishments ay na-record nila sa pamamagitan ng pag-implement of search warrants, checkpoints, serbisyo ng warrants of arrests, Oplan Bakal/Sita, police patrols at responses at Oplan Katok. Sa narekober na mga baril, 991 ang nakumpiska samantalang 938 ang para sa safekeeping. At higit sa lahat, 612 katao ang inaresto at 607 kaso ang isinampa sa korte. Walang kokontra ha, mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dahil sa nakumpiskang loose firearms, iginiit ni Lucas na bumaba ng halos 10 porsiyento ang kriminaldd sa Calabarzon sa naturang period. Kaya kung tuloy-tuloy pa itong operations nila, nais ni Lucas na itong nalalapit na midterm elections ang pinakamatahimik sa history ng Calabarzon police. Mismooo!
“Our efforts against loose firearms will not cease until every illegal weapons is removed from the streets and out of the hands of those who would use them to harm others,” ani Lucas. Dipugaaa!
Pinasalamatan ni Lucas ang kanyang mga tauhan, stakeholders, LGUs at komunidad, dahil hindi magtatagumpay ang kampanya nila versus loose firearms kung walang partisipasyon nila. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!