Kakaibang langit kay Quiboloy
NAGBIRO si VP Sara tungkol sa kinaroroonan ng religious leader na si Apollo Quiboloy na hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng mga tumutugis sa kanya ang kinaroroonan. “Ako, ang guess ko, ay nasa langit na si Quiboloy,” nakangising say ni VP Sara.
Kung sadyang nasa langit na siya, malamang ay ‘yung kakaibang langit na ang mga nakapalibot na angels ay ‘yung mga naggagandahang dilag. pasensya na kung may na-offend sa joke ko. Hindi ko lang napigilan magpatawa kapag ang sitwasyon ay nakaaasar!
Legal ang pagsi-serve ng mandamiento de aresto kay Quiboloy na inisyu ng Korte dahil ang pastor ay nahaharap sa patung-patong na kaso sa non-bailable human trafficking at child abuse.
Kaya lang nagpadala ng sandamakmak na pulis ay dahil hirap ang mga awtoridad na matukoy ang kinaroroonan ng pastor. Kaya hayan, ang pamahalaan ang inaakusahang “overkill” sa pagsisilbi ng warrant. Sa ganitong sitwasyon, hindi ang gobyerno ang kontrabida kundi ang mga taong nagtutulong-tulong upang pigilan ang usad ng hustisya.
Ang problema, nabahiran ng pulitika ang usapin na kung tutuusin ay hindi dapat. Kasi, malalim ang pagkakaibigan nina Duterte at Quiboloy at kinukunsinti’t pinoprotektahan ng dating Presidente ang “bessie” niyang pastor.
Quiboloy, sumuko ka na upang matuldukan ang isyu. Huwag gawing rason ito ng pag-aaklas para gawing dahilan upang mapatalsik sa puwesto si PBBM!
- Latest