^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Bahasura na naman!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Bahasura na naman!

BUMAHA na naman kahapon sa maraming lugar­ sa Metro Manila dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot­ ng Bagyong Enteng. Naulit na naman ang nang­yari noong Hulyo 24 na nanalasa ang habagat na pina­lakas ng Bagyong Carina. Kung tutuusin, mas mahina ang ulan na dulot ng Bagyong Enteng kaysa Carina pero bumaha agad sa maraming lugar.

Lampas tao ang baha sa San Mateo, Rizal kung saan maraming residente ang nagtungo sa bubungan ng kanilang mga bahay para hindi tangayin ng baha. Ganito rin ang senaryo sa isang barangay sa Antipolo City na maraming bahay ang nalubog sa baha.

Sa Cainta, Rizal ay lampas tao rin ang baha kaya marami ring nag-akyatan sa bubong ng bahay. Maraming sasakyan na naman ang nalubog sa baha. Sa isang subdibisyon sa Parañaque City ay rumaragasa rin ang baha. At katulad ng dati, binaha uli ang España Blvd at Taft Avenue.

Nang humupa ang baha, iisang tanawin naman ang tumambad—maraming basura! Tinangay ng baha ang maraming basura. Mahigit isang buwan lang mula nang tangayin ng bahang dulot ng Bagyong Carina ang mga basura at eto na naman at mas marami pa ang lumutang nang humagupit ang Bagyong Enteng.

Saan galing ang mga basura at hindi maubus-ubos? Kahit yata araw-araw bumaha marami pa ring tata­ngaying basura. Nagpapatunay lamang na walang ka­ayusan sa pagtatapon ng basura.

Noong nakaraang buwan, hinikayat ni President Ferdinand Marcos Jr. ang local government units (LGUs) na magpatupad ng mga hakbang para mabawasan ang basura upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan. Sa talumpati ni Marcos sa Second Local Governance Summit 2024, sinabi niya na ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ang dahilan ng dengue at leptospirosis.

Tama naman siya at bukod sa sakit, basura rin ang dahilan ng baha. Basura ang dahilan kaya nasisira ang pumping stations sa Malabon at Navotas. Nararapat na ang LGUs ang magsimula ng mga hakbang para maisaayos ang pagtatapon ng basura.

May pananagutan din naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa problemang­ baha. Noong nakaraang linggo kinuwestiyon ng mga mambabatas ang DPWH kung bakit hindi naso­so­lusyunan ang mga pagbaha sa kabila ng paggastos ng P1.2 trilyon para sa flood control projects mula 2009 hanggang 2024. Anyare sa pondo? Humihingi pa umano ng dagdag ang DPWH para sa 2025.

Baha at basura ang problema. Kailan ito malulutas? Kailan mapapanatag ang mamamayan sa problemang ito?

vuukle comment

DPWH

LGUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with