Masiglang tax collection at masayang graduation ng UMak!

Sa kabila nang maraming challenges na dumating sa ating lungsod ngayong taon, patuloy pa rin ang pag-angat at pag-asenso dito sa Makati.

Ngayong Hunyo, abot-kamay na natin ang P16 bilyon na koleksyon—87% na ‘yan ng ating target na P18.42 bilyon para sa taong ito, at 94% mula sa ating local revenue sources. Bagama’t may bawas sa ating National Tax Allot­ment dahil sa ilang pagbabago sa EMBO barangays,  ‘wag kayong mag-alala. Kaya pa rin nating lampasan ang target bago magtapos ang taon.

Ang majority ng ating kita ay nanggaling sa Business­ Tax na P8.6 bilyon, at sa Real Property Tax na umabot ng P5.5 bilyon. Nakakatuwa dahil patuloy ang suporta at tiwala­ sa atin ng mga negosyante at property owners. Hindi rin papahuli ang kita mula sa Fees & Charges at sa Economic Enterprises. Sa mga external sources naman, may dagdag tayong kita mula sa NTA at shares mula sa PEZA.

Exciting din ang balita sa ating Business Permit and Licensing Office—4,043 bagong negosyo ang nagbukas, at 35,290 ang nag-renew ng kanilang permits nitong unang semester. Grabe, ‘di ba? Patunay lang ‘yan na booming talaga ang business dito sa Makati!

Dahil sa inyong suporta, tuluy-tuloy ang pag-roll out natin ng better social programs at bago’t magandang infrastructures. Kasama na rito ang ating bagong Makati Columbarium at ang central headquarters para sa mga kapulisan at bum­bero. Itong mga proyektong ito, para sa mas pinabuting kalidad ng buhay at better security sa ating lungsod. Sa pa­tuloy nating pagtutulungan, lalo pa nating mapapalago ang Makati bilang top destination para sa investors at bilang mo­delo ng progresibong lungsod sa bansa.

Maraming, salamat sa inyong suporta. Kayo ang ins­pi­rasyon ko at ng buong city government para gawin ang lahat ng makakaya para sa mas magandang Makati.

***

Congratulations, batch 2024!

Noong August 30, pinangunahan ko ang graduation rites ng nasa 900 estudyante ng University of Makati sa PICC. Sobrang saya ko para sa inyong lahat na nakatapos ngayong taon! I-flex ko lang ang UMak Executive Program na nagbibigay ng oportunidad sa mga nais makapagtapos ng kurso habang sila ay nagtatrabaho bilang public servants, artista, o sinumang mamamayan, Makatizen o hindi, sa ilalim­ ng College of Continuing, Advanced and Professional Studies gamit ang open learning system. Marami na rin ang nakagraduate dito, tulad ng aktor na si Ejay Falcon na kabilang sa batch 2024 graduates.

Nakaka-proud na kabilang sa mga naka-enrol ngayon sa programa sina Malabon Councilor Jasper Kevin Cruz, dating Muntinlupa SK Fed President Kenicah Tagaki, NCR Liga ng mga Barangay President Darwin Fernandez, NCR Liga Executive Director Ziffred Ancheta, aktor at Cavite Councilor Nash Aguas, at mga aktres na sina Tart Carlos at Cai Cortez, na pawang kumukuha ng Bachelor of Arts in Political Science, major in Local Government Administration.

Sa mga bagong UMak graduates na ngayon ay mga alumni na ng mahal nating unibersidad, sikapin ninyong maging inspirasyon sa mga ka-batch ninyo at sa mga kasunod pang batch ng UMak graduates. Tandaan ninyo na ang bawat tagumpay na inyong makakamit ay tagumpay rin ng buong Makati.

Show comments