Madugo ang halalan sa Northern Luzon
MAY mga indikasyon na magiging madugo ang 2025 elections sa Northern Luzon.
Sa Pugo, La Union, lumipat dito ang isang kakandidatong mayor at minamaniobra ang pagpapakalat ng flying voters para siguradong makaupo siya sa puwesto “by hook or by crook”.
Nais ng kandidatong ito na mandaya. Kaya tiyak na gagamit siya ng salapi para manalo. Nakasandal ang kandidato sa kamag-anak na pulitiko na may kakayahang magpapatay ng kalaban sa pulitika.
Ngunit hindi natitinag ang makakalaban ng pulitiko. Isa itong incumbent at mula rin sa maimpluwensiyang pamilya.
Sa Abra, nakikita na rin ang marumi at madugong halalan sa 2025.
Nag-uumpisa nang magkumpul-kumpol dito ang mga armadong kalalakihan na hinihinalang goons ng isang kilala at maimpluwensiyang pulitiko.
Dapat habang maaga, masolusyunan na ito ng Philippine National Police (PNP). Kung pababayaan, madugo ang mangyayari sa pagitan ng goons ng mga pulitiko. Ang mamamayan sa dakong huli ang kawawa sapagkat maiipit sila sa gulo.
Bantayan ng PNP ang halalan sa La Union at Abra na tiyak na magiging marumi at madugo.
* * *
Para sa reaksiyon o komento, i-send sa: [email protected]
- Latest