^

PSN Opinyon

Iwas sakit: Uminom ng 8 basong tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga sakit na matutulungang gamutin sa pama­magitan ng pag-inom ng tubig. Ang rekomendado ay walong baso ng tubig ang iinumin sa maghapon.

1. Sakit sa bato – Ang sanhi ng bato sa bato (kidney stones) ay ang kakulangan sa tubig. Dahil dito, nagiging madilaw ang ihi at namumuo tuloy ang bato. Mag-ingat at baka tumuloy sa kidney failure at dialysis.

2. Impeksyon sa ihi – Kapag kulang ka sa tubig, mas ka­kapitan ka ng impeksiyon sa ihi o balisawsaw.

3. Lagnat – Nakapagpapababa ng lagnat ang pag-inom ng tubig. Ito’y dahil maiihi mo ang “init” sa iyong katawan. Painumin ng tubig at juice ang mga may lagnat.

4. Ubo, sipon at trangkaso – Ang sapat na tubig ay nagpapalabnaw ng sipon at plema. Mas bibilis din ang paggaling sa trangkaso.

5. Pangangasim ng tiyan – Malaki ang tulong ng tubig para mahugasan ang acido sa ating sikmura. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang ulcer, impatso at sakit ng tiyan. Mas gusto ng tiyan ang maligamgam na tubig.

6. Para lumakas – Kapag kulang ka sa tubig, magiging matamlay ka at manghihina. Lalo na kapag mainit ang pa­nahon, uminom ng maraming tubig.

7. Sakit ng ulo – Nakatutulong ang tubig sa pagtanggal ng migraine o sakit ng ulo.

8. Para pumayat – Bago kumain, uminom ka muna ng 1-2 basong tubig. Mabubusog ka nito at hindi ka mapapakain ng marami. Hindi po nakatataba ang tubig.

9. Para gumanda – Ito ang mahalaga sa lahat. Ang beauty secret ng mga dermatologists ay tubig lang. Kapag kulang ka sa tubig, lulubog ang iyong mata at kukulubot ang balat (wrinkles). Uminom ng tubig para kuminis at kumintab ang iyong kutis. Umiwas ka rin sa araw para hindi kumulubot.

Narito pa ang mga tips sa pag-inom ng tubig:

1. Uminom ng bottled water, purified water o pinakuluang tubig. Hindi nakasisiguro na ligtas ang tubig na galing sa gripo.

2. Konti-konti lang ang pag-inom. Mga tatlo o apat na lagok lang. Huwag biglang uminom ng dalawang basong tubig lalo na kung may edad dahil baka malunod ang inyong puso. Ang pag-inom ng pakonti-konti ay panlaban din sa pangangasim ng sikmura dahil nalilinis nito ang asido sa tiyan.

3. Pagkagising sa umaga, uminom ng isang basong tubig. Ito’y dahil kulang tayo sa tubig o dehydrated na sa umaga. Nililinis din nito ang ating kidneys at pantog.

4. Sa mga may lahi ng kidney stones, kailangan ninyong uminom ng tubig bago matulog sa gabi. Ito’y para hindi magbuo ang kidney stones sa gabi.

5. Uminom ng mas maraming tubig habang nag-eehersisyo. Kapag malakas kayong magpawis, kailangang uminom ng isang basong tubig bawat 30 minutos ng ehersisyo.

6. Kapag nanunuyo ang inyong lalamunan, may sipon o ubo, uminom din ng mas maraming tubig para lumabnaw at mailabas ang plema.

7. Sa mga nagbi-breastfeeding, damihan ang inom ng tubig para sa inyo at sa inyong sanggol.

8. Siguruhing malinis at ligtas ang inyong tubig. Huwag makipagsapalaran dahil puwedeng magdulot ng typhoid fever at gastroenteritis ang maruming tubig.

9. Ang tubig ay nagpapaganda sa ating balat. Kapag kulang sa tubig, kukulubot ang balat. Ngunit kung may sapat na tubig, magiging makinis at malambot ang kutis.

10. Kung hindi kayo mahilig sa tubig, puwedeng kumain nang maraming pakwan na punumpuno ng tubig at may bitamina pa.

TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with