Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang Monesteryo na kung saan ay mismong mga pari, brothers at sisters ang nagtatanim ng kanilang sariling pagkain at halos hindi na bumibili sa palengke.
Ang aking tinutukoy ay ang Caryana Monestery na makikita sa San Isidro, Magalang Pampanga.
Si Bro. MJ Miranda na siyang Farming In-charge ng Monesteryo ang siyang nagpaunlak sa amin ng panayam.
Ayon kay Bro. MJ, ang monesteryo ay may sukat na 60 ektarya na may maganda simbahan at luntian ang kapaligiran.
Sa kabuuan na 60-ektarya ay 13 dito ay taniman ng palay, isang ektarya ang taniman ng gulay na may dalawang malaking green house na kalahating ektarya ang sukat.
May tatlong ektaryang taniman ng prutas, dalawang ektaryang palaisdaan at maraming alagang itik, manok, ostrich, tupa, kambing, maliit na kabayo, peacock at marami pang iba.
Ani Bro. MJ, food sufficiency ang layunin nila kaya all year round ay nagtatanim sila.
Aniya nasa 270 silang stay-in na brothers, sisters at mga pari sa loob ng monesteryo at halos lahat ng kanilang kinakain ay kanilang tanim at alaga.
“Ang gawain namin dito sa monesteryo ay magdasal, magtanim, mag-alaga ng hayop at isda na siya ring aming pagkain,” ani Bro.MJ.
Sinabi pa ni Bro. MJ, lahat ng sobra para sa kanila ay ipinamimigay sa mga kalapit na lugar at barangay.
Ayon pa kay Bro. MJ, nakaplano ang kanilang mga itinatanim para sa buong taon ay mayroon silang nakakain.
May conventional farming o nakatanim sa lupa at hydroponics method of farming sa loob ng monesteryo.
Pahayag pa ni Bro. MJ, 4-years old pa lamamg siya ay napasok na siya sa monesteryo at dito niya nadarama ang tunay na kapayapaan sa piling ng “Paraiso ng Panginoon.”
Maging si Ka Bernie Dizon mula nang pumasok sa monesteryo hanggang ngayon na may karamdaman siya at ayaw ng lumabas ng monesteryo.
Ang Magsasakang Reporter ay dalawang beses nang nakapasok sa Caryana Monestery. Ang una ay noong kalakasan pa ni Ka Bernie nang siya ma-interview ko sa kanyang pagtatanim ng iba’t ibang fruit berries sa loob ng monesteryo.
Iniimbitahan ni MJ ang lahat, lalo na ang brothers, sisters, pastor, pari, kabataan, magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kanilang ginagawang pagtatanim.
Sa Linggo, September 1, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Bro. MJ Miranda at farm tour sa loob ng Farm sa Carnaya Monestery sa Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.