^

PSN Opinyon

P7.2 trilyon utang ng Pinas!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nakaka-thrill yon! Ang panlabas na pagkakautang ng Pilipinas noong rehimen ni President Duterte ay umabot sa P7.2 trillion. Ito ang sinasabing “pinakamalaking utang ng isang administrasyon sa nakaraang 89 years ng kasaysayan. Wow, record high!

Puwede namang gawing rason ng Duterte regime ang dinanas na COVID-19 pandemic ng buong daigdig na napakalaking dagok din sa ating bansa. Marahil nga ay puwedeng tanggaping rason ng taumbayan ito pero...

Sa kasagsagan ng pandemic na kabi-kabila ang namamatay, sandamukal din ang katiwalian sa administrasyon sa overpricing ng mga pangangailangan sa pagbaka sa sakit.

At ang mga nasasangkot ay yung mga personalidad na ngayo’y may spurious character gaya ng economic adviser ni Duterte na si Michael Yang.

Controversial at sariwa pa sa isip nang marami ang Pharmally deal na tinatayang bilyun-bilyon ang nadugas sa pamahalaan. At matatandaan na tila dinidepensa pa ni Duterte ang mga opisyal niyang nadadamay sa monumental overpricing anomaly.

Kaya nag-initiate ng imbestigasyon sa kasong ito si De­puty Majority Leader Janette Garin dahil salapi ng bayan ang nasasangkot dito. Hanggang ngayon din ay parang nabaon na sa limot ang mga anomalyang naganap noong pandemic.

Dapat siguro, ituloy ang siyasat at patawan ng parusa ang mga tunay na nagkasala. Tingin ko, yung ibang nagretiro na sa pamahalaan ay kukuya-kuyakoy na lang at ini-enjoy ang mga nakurakot.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with