MALAPIT nang ideklara ng Vatican ang kauna-unahang santo na isang millennial. Ito’y dahil pinatotohanan ni Pope Francis ang ikalawang milagro ng italyanong teenager, ulat ng New York Times.
Malimit tawagin ng mga Katoliko na santong patron ng Internet si Carlo Acutis. Ginamit niya kasi ang kahusayan sa computers para palaganapin ang pananampalataya.
“Millennials” ang tawag sa mga isinilang nu’ng 1981-1996. Lumaki sila sa panahon ng personal computers, internet, online media, at mga salot na cybercrimes at cyberpornography.
Namatay si Carlo sa leukemia sa edad-15 nu’ng 2006. Isinilang siya sa London ng mga Italyanong magulang, at lumipat sila sa Milan nu’ng bata siya. Maaga bumulaklak ang Katolisismo ni Carlo, kuwento ng inang Antonia Acutis sa NYT nu’ng 2020. Edad-7 siya nagsimula magsimula araw-araw. Na-inspira ang ina magbalik-loob sa simbahan.
Nalulong si Carlo sa pagtulong sa mga maralita na walang tirahan. Maski malala na ang sakit, naghasa siya ng sarili sa computers, at lumikha ng website tungkol sa mga milagro. Mahilig din siya mag-soccer at mag-video games.
Nu’ng patay na si Carlo, maraming nagkuwento ng mga mahimalang paggaling ng sakit, ani Antonia sa NYT. Pati pagkabaog at iba’t ibang cancers ay nalunasan matapos sila magdasal kay Carlo.
Sinusuri ng Vatican bawat isang kandidato sa pagka-santo. Tinatawag na Banal kapag napatunayan ang isang milagro, at Santo kapag dalawa na.
Si Carlo ang liwanag kontra sa Dark Web o mga krimen at kasamaan sa internet, ani Antonia. Tinagurian siyang Carlo “influencer for God”.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).