^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Baka makalusot din si Quiboloy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Baka makalusot din si Quiboloy

NAKALABAS na ng bansa ang pinatalsik na Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Noon pa raw Hulyo 18, 2024 ito nakalabas ng bansa at nagtungo sa Malaysia, gamit ang Philippine passport. Mula sa Malaysia, nagtungo sa Singapore si Guo at doon sila nagkita ng mga kaanak nito. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros na nagsiwalat nang pagtakas ni Guo, mistulang nag-reunion sina Guo at mga magulang at kapatid nito sa Singapore.

Malaking katanungan ngayon kung paano nakalabas ng bansa si Guo gayung may hold departure order dito. Ipinangako noon ng Bureau of Immigration (BI) na mahigpit nilang binabantayan si Guo. Anyare at naka­labas? Sabagay, hindi na nakapagtataka ang nangyari sapagkat marami nang BI officials ang sangkot sa “pag­papasok” at “pagpapalabas” ng mga dayuhan partikular ang mga Chinese nationals kapalit nang malaking halaga ng pera. Sino ang makalilimot sa “pastillas scam”?

Tiyak na nagtatawa ngayon si Guo kung saan man siya naroon. Napaglalangan niya ang maraming­ Pili­pino. Napaniwala niya ang mga taga-Bamban na Pilipino siya. Ibinoto siya at walang kahirap-hirap na nanalo. Naka­upo nang tatlong taon sa Bamban na hindi na­bu­king ang kanyang pagkatao.

Lahat nang mga nangyari ay nag-ugat sa korapsiyon. Mula sa pagpeke ng birth certificate sangkot ang mga corrupt sa Philippine Statistics Authority at pag­pa-file ng certificate of candidacy sa Comelec. Maraming napalusutan si Guo. Maraming nalinlang dahil nasilaw sa pera. Sabi nga raw ng isang Chinese, kawawa raw ang mga Pilipino dahil madaling masilaw sa pera. Pera lang daw ang katapat. Kakahiya.

Wala na si Guo. Ang isang dapat pang bantayan ay si appointed son of God Pastor Apollo Quiboloy na hanggang ngayon ay hindi pa maaresto ng Philippine National Police. Si Quiboloy ay founder ng Kingdom of Jesus Christ ay nahaharap sa mga kasong child pros­titution, sexual abuse, human trafficking, at acts of neg­lect, abuse, cruelty and exploitation. May nakapatong na P10 milyon sa kanyang ikadarakip. Tig-P1 milyon naman ang pabuya sa kanyang mga ka-miyembro na sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes, Jackiely Roy at Paulene Canada. Tanging si Paulene Canada pa lamang ang naaaresto ng mga pulis.

Napabalita minsan na nasa China na raw si Quiboloy pero sabi ng kanyang mga abogado ay inaalam pa nila ang katotohanan ng balita. Sinabi naman minsan ni dating­ President Rodrigo Duterte na alam niya ang kinaroroonan ni Quiboloy pero hindi raw niya sasabihin.

Bantayan si Quiboloy at baka makalusot din siya katulad ni Guo. Gawin naman sana ng PNP ang trabaho nila para maaresto ang pastor at mga kasama.

vuukle comment

MAYOR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with