^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawal payungan ang senior police officers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bawal payungan ang senior police officers

Hindi naman talaga magandang tingnan na laging may alalay na mababang ranggong pulis ang senior police officer na nagsisilbi ring tagapayong. Nakaugalian na raw na laging may dalang payong ang patrolman at corporal at handang payungan ang nakatataas na opisyal sa gitna ng sikat ng araw o ulan man. Ang tingin tuloy sa mababang ranggong pulis ay muchacho ng nakatataas na opisyal. Kawawa naman ang pulis na tagapayong. Nagkakaroon tuloy ng feeling na pagkakaiba-iba.

Mabuti at napansin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil ang ganitong kalakaran at ipinag-utos na itigil na ang pagpapayong ng mga pulis na may mababang ranggo sa mga nakatataas na opisyal. Tanging si Marbil ang PNP chief na nakapansin ng ganitong gawain na pinapayungan ang nakatataas na opisyal. Ayon kay Marbil, hindi tama ito.

“Ipinagbabawal ko na po, ‘yung mga pulis natin everytime we have anniversary nakakakita po tayo ng mga pulis natin na naka-uniform specially yung mga corporal yung mabababa natin sila ang nagdadala ng mga payong. Hindi na po puwede yan. Hindi po tama yan! Hindi po ganyan ang trabaho ng pulis. Let us respect our uniform. Ipakita natin na tayo ay taong may dignidad, hindi po tayo tao na basta-basta. Pulis po tayo hindi tayo bodyguard, hindi po tayo driver, hindi po tayo alalay, hindi po tayo bayaran, pulis po tayo! Pulis tayo ng bayan, pulis tayo sa lahat!” mariing sabi ni Marbil kamakailan.

Bakas sa pananalita ni Marbil ang kaseryosohan sa sinabi. Ayaw na niyang makita na may mabababang ranggong pulis na mistulang alipin na nagpapayong sa mga nakatataas na opisyal. Tama ang sinabi ni Marbil na ang mga pulis ay hindi bayaran kundi pulis ng bayan—pulis ng lahat.

Sa mga sinabi ni Marbil, dapat mas masaktan ang mga nakatataas na opisyal na nasanay nang pinapayungan ng mabababang ranggong pulis. Kung mayroon silang delikadesa, dapat sila ang magsabi na huwag silang payungan. Pagsabihan nila ang mga magpapayong sa kanila na kaya nilang mag-isa. Sila na ang tumanggi kung mayroon silang kahihiyan.

Hindi ang mga nakatataas na opisyal ang dapat pagsilbihan ng mga mabababang ranggong pulis kundi ang sambayanan. Tama si Marbil sa kanyang sinabi. Maaalala ang sinabi niyang ito kahit wala na siya sa serbisyo.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with