Dalawa sa itinuturing na mapanganib na inmates sa Fortaleza, Brazil ang sumubok makatakas sa kanilang kulungan sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila ay mga babae!
Itinuturing na mapapanganib na inmates ng Professor José Jucá Neto Prison Unit sina Francisco Átila da Silva at Carlos Antônio da Silva Oliveira dahil sa kanilang mahabang criminal records tulad ng drug trafficking, robbery, murder, property damage at pagiging mi)_yembro ng mga criminal gang.
Noong nakaraang linggo, sinubukan nilang tumakas sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga babae. Kumalat kamakailan sa social media websites ang mga litrato ng kanilang disguise kung saan makikitang nagsuot sila nang mahabang wig, kulay pink na palda at puting blouse at para lalong magmukhang “babae”, naglagay pa sila ng umbok sa kanilang dibdib.
Upang pasimple silang makatakas ng kulungan, sumabay sina Da Silva at Oliveira sa grupo ng mga kababaihan na lalabas na mula sa kanilang mga conjugal visit. Pero dahil halata naman ang kanilang mga disguise, agad silang nasita ng mga prison guards at inihiwalay sila sa mga lalabas na mga babaing bisita. Matapos ito ay ibinalik sila sa kanilang mga selda.
Sa statement na inilabas ng Secretariat of Penitentiary Administration and Resocialization, iniimbestigahan na nila kung paano nagkaroon ng gamit pang-disguise ang dalawa at inaalam na nila kung sino ang nagbigay sa kanila nito.
Kung mahuhuli ang taong ito, maaaring maparusahan ito ng anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakakulong. Sina Da Silva at Oliveira naman ay nahaharap sa internal disciplinary process na maaaring makadagdag sa kanilang sentensiya.