^

PSN Opinyon

Talamak na sugalan sa Cagayan Valley

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NAGMISTULANG kabute na nagsusulputan ang sugalan sa Cagayan Valley at wala nang magawa ang mga awto­ridad. O natapalan na ng salapi kaya naging inutil na?

Sa Bambang, Solano at Villaverde, Nueva Vizcaya, nama­mayagpag si Herson dahil sa proteksiyong nakukuha mula sa lokal na gobyerno at pulis. Ang kapalit ay perang padulas­ na binibigay ng lingguhan, kinsenas o buwanan. Naka­rating na rin si Herson sa Allacapan, Cagayan ganundin sa Tabuk City, Kalinga, Apayao, para magtayo ng mga sugalan.

Sa Cauayan City, Isabela, hawak ni Rey “Zuma” Tizon ang pasugalan na nasa likod ng Talavera mall. Hawak din niya ang mga sugalan sa San Mateo, San Guillermo, Echa­gue at Cordon. Nakarating na rin ang kanyang kamandag sa Lallo, Cagayan. 

Nagpapasugal naman si dating barangay chairwoman­ Maribel Tanchangco sa San Antonio, Alicia, Isabela at sa Ba­gabag at Bayombong, Nueva Vizcaya. Mayroon din siyang­ sugalan sa Tarlac. 

Sabi umano ni Tanchangco, malapit siya kay Nueva Viz­caya Gov. Jose Gambito at Congressman Ian Dy ng 3rd district ng Isabela. Napapaikot umano niya sa kanyang mga kamay si Brig. Gen. Christopher Birung ng Cagayan Valley police ganundin ang Provincial Directors ng Nueva Vizcaya at Isabela.

Matindi talaga kapag naduldulan ng pera ang mga awto­ridad dahil pumipikit at nagbingi-bingihan. Lugmok sa sugalan ang Cagayan dahil sa sabwatan ng lokal na pamahalaan, pulisya at iba pang sangay ng pamahalaan.

 Namamayagpag din ang Small Town Lottery (STL) sa Cagayan Valley. Sinasabayan pa ito ng bookies ope­rations ng parehong operator din ng STL sa Nueva Vizcaya.

* * *

Para sa reaksiyon o komento, i-send sa: [email protected]

CAGAYAN VALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with