^

PSN Opinyon

PBEd, suportado ang education cluster ni BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Mukhang narinig na sa wakas ang nakakabinging hiyaw ng saklolo ng Education System sa Pinas. Dahil sa tina­gal-tagal ng problema ay inaasahang magkakaroon na rin ng pamalakasan aksyon, hindi lamang isang ahensya, kungdi buong gobyerno ang magtutulungan upang tugunan ang samut-saring suliranin sa edukasyon sa Pinas.

Ito ay matapos aprubahan ni President Bongbong Marcos­ nitong nakaraang araw ang pagbubuo ng “Cabinet Cluster” para tutukan ang edukasyon. Ang cluster ay binubuo ng ibat’ ibang ahensiya ng gobyerno na naatasang bigyan solus­yon ang “learning gaps” sa edukasyon. Eh di wow! Hehehe! Totoo na sana ito, no mga kosa?

Ipinag-utos ni BBM ang pagbuo ng bagong cluster para sa edukasyon matapos niyang pamunuan ang sectoral meeting­ na dinaluhan ng Department of Education (DepEd) at ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2).

Inatasan kaagad ni BBM ang DepEd at iba pang ahensya ng gobyerno na bilisan ang pagbalangkas ng mga hak­bangin upang tugunan ang problema sa edukasyon. Dipu­gaaa! Sa wakas! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ikinagalak at todo suporta naman ang Philippine Business for Education (PBEd) ang pagbuo ni BBM ng Cabinet Cluster for Education. Sino naman ang hindi matutuwa sa ga­nitong program ang gobyerno? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Ika nga ay sakto at swak na swak ang kautusan ni BBM lalo na’t humaharap sa krisis ang sector ng edukasyon sa bansa. “This comes at an opportune and critical time as we continue to grapple with the learning crisis,” ayon sa PBEd.

Binigyang-diin ng PBEd ng kinakailangan talaga ang “whole-of-nation approach” para mapigilan ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang pagtutulungan ng DepEd, TESDA, CHED, at iba pang government agencies “has never been more urgent, as we work to bridge the gaps from basic education to emplo­yability,” ang dagdag pa ng PBEd. Naniniwala ang PBEd na sa pagbuo ng Cabinet Cluster at pagtalaga ng education czar ay uusad na sa wakas ang “long-term vision and plan for education.”

Umaasa rin ang PBEd na ito rin ay makatutulong sa pag-unlad ng human capital ng Pinas. “In the course of implementation, we hope that the Cabinet Cluster will be anchored on making data-driven decisions on education, guided by independent assessment mechanisms,” sabi pa ng PBEd. Dipugaaa!

Nagpahayag din ang PBEd ng kahandaang makipagtulungan sa cluster upang maisakatuparan ang mga magiging hakbangin ng bagong grupo dahil nga naman ang edukasyon ay dapat lamang maging top priority para sa kinabukasan ng mga kabataang Pinoy. May punto ang PBEd dito, ‘no mga kosa? Abangan!

EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with