TOTOO na kapag masayahin ang mga magulang ay nagiging masayahin din ang kanilang mga anak.
Kapag masaya sa loob ng bahay na kinalakihan ng mga anak, ganundin ang mangyayari kapag sila ay may sarili nang pamilya.
Namamana ng mga anak ang masayang ipinakikita ng mga magulang.
Narito pa tips sa mga magulang para lalong maging masayahin ang mga anak:
1. Maging balanse sa bata. Maaaring maging magiliw sa mga anak ngunit kinakailangan pa rin na mag-set ng mga patakaran. Ito ay para hindi mawala ang respeto ng mga anak sa magulang.
2. Maging laging nandiyan o may presensiya para sa kanila.
3. Suportahan at pasiglahin sila.
4. Tulungan sila na maintindihan ang kanilang damdamin kung sila ay may stress tulad ng hindi makatulog, pananakit ng ulo, upset na stomach, pabagu-bago ng mood, at iritable.
5. Pakinggan ang anak kapag sila ay nagsasalita at tanungin sila gaya ng “Ano sa tingin mo?” “Ano sa palagay mo?”
6. Huwag silang masyadong protektahan.
7. Kinakailangang matutunan ng mga bata na ma-manage nang maayos ang kanilang stress.
8. Palakasin ang kanilang kumpiyansa sa sarili.
9. Gabayan sila.
10. Turuan sila.