NU’NG Jan. 2024 itinaas ng PhilHealth ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro sa 5 percent mula 4 percent. Naging P500 mula P400 ang buwanang bayad ng mga sumasahod ng below P10,000. Naging P501-P4,999 ang buwanang bayad ng kumikita ng P10,001-P99,999, P5,000 sa lampas du’n.
“Kailangan natin ng pondo para matugunan ang ating mga nasimulang magagandang pagbabago sa mga benepisyo ng PhilHealth,” katwiran noon ni CEO Emmanuel Ledesma, Jr.
Kung ganu’n pala, bakit isinoli ng PhilHealth sa Malacañang ang P90 bilyon na pondo nito? At bakit in lagay ng Kongreso ang P90 bilyon na ‘yon sa unprogrammed funds para 2025?
Labag ‘yon sa Konstitusyon: bawal gamitin ang perang pangkalusugan sa iba pang programa.
Labag din sa Universal Health Care Act: anumang sobrang pondo ng PhilHealth ay dapat itustos sa dagdag na proyektong pangkalusugan, o ipambawas sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro, anang Seksyon 11.
Matagal na pala tayong niloloko ng PhilHealth. Noon pa palang 2002 ay sobra na ang pondo nito ng P30 bilyon. Sobra rin ng P30 bilyon nu’ng 2023, at P30 bilyon muli ngayong 2024. Kaya kabuuang P90 bilyon ang ibinabalik sa gobyerno – imbis na ipinandagdag sa pangkalusugan. Sa halip, siningil pa tayo ng dagdag kontribusyon.
Kulang ang perang pangkalusugan. Kaya maraming may sakit sa bato na hindi makapag-dialysis. Maraming namamatay sa stroke, heart attack, at cancer imbis na maiospital. Maraming ni hindi makapagpa-blood test o x-ray.
Dalawa sa limang Pilipino ay maralita, umaasa lang sa PhilHealth para sa kalusugan.
Pero ninanakawan ng mayayaman sa gobyerno.