Calcium at potassium

ANG calcium ay kadalasang naririnig sa mga produktong may kinalaman sa pagpapatibay ng ating buto. Nakakatulong ito sa mga bata at matatanda upang mapatibay at maiwasan ang pagrupok ng buto.

Ang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, sardinas, orange, soymilk at yogurt.

Narito pa ang mga benepisyo ng calcium:

1. Nakatutulong upang maiwasan ang pagtaba.

2. Nakatutulong sa muscles ng puso.

3. Nakatutulong upang maiwasan ang colon cancer.

4. Nakatutulong upang maging maganda ang ating mga balat.

* * *

Potassium

Isa sa pinakamahalagang mineral sa katawan ay ang potas­sium. Masama ito kapag labis at masama rin ito kapag kulang. Kailangan natin ang postassium para sa normal na pagtibok ng puso at paggamit ng mga masel sa katawan.

Bakit bumababa ang potassium?

Ang karaniwang dahilan ng mababang potassium ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka. Dahil dito, lumalabas ang potassium sa katawan sa pamamagitan ng ating pawis at dumi. Minsan naman ay may diperensiya ang kidneys kaya lumalabas din ang potassium sa ihi.

Kung kayo ay mahilig uminom ng mga pampadumi, pampapaihi o pampapayat, puwedeng bumaba ang iyong potassium. Kung mahilig kayo sa colon cleansing, puwede rin bumaba ang potassium. Ang sobrang pag-eehersisyo at pagpapawis ay puwedeng makababa rin ng potassium.

Ang sintomas ng mababang potassium ay ang panghihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso. Nag-uumpisa ang panghihina sa may paa at umaakyat ito ng dahan-dahan hanggang sa maparalisa na ang buong katawan. Napakadelikado nitong sakit at puwedeng ikamatay agad.

Para makaiwas sa sakit na ito, ugaliing kumain ng dalawang saging araw-araw.

Kumunsulta sa doktor kung nanghihina. Ipasusuri ng doktor ang iyong potassium level (isang blood test) para malaman kung mababa ang iyong potassium. Kung kayo ay may kidney failure, magtanong muna sa doktor bago kumain ng pagkaing mataas sa potassium.

Show comments