^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May kalsada mula sa plastic na basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May kalsada mula sa plastic na basura

Sa lahat nang ideya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang may kaugnayan sa plastic wastes na ihahalo sa aspalto ang pinakapaki-pakinabang. Magiging matibay daw ang kalsada kapag inihalo ang mga ginutay-gutay na plastic na basura sa aspalto at saka ilalatag sa mga kalsada. Hindi rin daw magiging madulas ang aspaltong kalsada na may halong plastic.

Nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan no­ong Biyernes (Agosto 2) ang Department Order No. 139 na nag-uutos sa regional offices, district engineering offices at unified project management office clusters na maaring maghalo ng plastic na winasak o ginutay sa hot mix asphalt.

Ang kautusang ito ang maaaring susi para mawakasan ang problema sa bundok-bundok na plastic na basura. Ang basurang plastic ang itinuturong dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya. Noong Hulyo 22, 2024, bumaha sa MM dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Carina. Naulit ang Ondoy noong 2009.

Maraming basurang plastic ang nakolekta makaraan ang baha. Isang linggong hinakot ang mga basu­rang plastic. Pawang single use plastic ang mga basura. Mga sando bags at sachet ng shampoo, coffee, catsup at iba pa.

Sa huling report, ang Pilipinas ay nagpo-produce ng 2.7 milyong tonelada ng plastics wastes bawat taon. Humahantong ang mga basurang plastic sa landfills, ilog, estero at sa karagatan. Nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single-use plastic, aapaw ang 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila.

Minsang sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na lalangoy sa plastic ang bansa kapag hindi nasolusyunan. Nahaharap sa malaking problema ang bansa kaugnay sa plastic pollution. Ayon pa kay Loyzaga, malaking panganib sa kalusugan ng tao ang plastic at ganundin sa ecosystems at climate change.

Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit wala nang narinig ukol dito. Patuloy ang paggamit ng single-use plastics.

Harinawang maging matagumpay ang DPWH sa paggawa ng mga kalsadang hinaluan ng plastic na basura. Ito ang solusyon sa problema ng plastic pollution. Kolektahin lahat ng plastic wastes at ihalo sa aspalto.

May maganda at matibay na kalsada mula sa plastic­ na basura. Ipagpatuloy din ang recycling ng plastics para maging madali ang proseso.

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with