^

PSN Opinyon

PDEG, humakot ng P90-M droga sa tatlong operations!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HUMAKOT ng P90-milyong halaga ng droga ang PNP Drug Enforcement Group sa magkahiwalay na operation sa Pinas nitong nagdaang mga araw. Ayon kay PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta pinaigting nila ang kampanya laban sa droga dahil sa report na nagbalikan sa kalye ang drug pushers.

“Itong mga street level pushers ang tinututukan natin sa ngayon dahil sila ang spreader ng droga sa kalye,” ani Matta. Inaamin ng PDEG director na mahirap hagilapin ang bigtime pushers dahil mangilan-ngilan lang sila at palaging nakatago ng ilang layers. “Subalit pasasaan pa’t masagasaan din sila ng aking mga tauhan,” dagdag pa ni Matta.

Maging si Matta ay sinisisi ang mga nakakulong na bigtime drug pushers sa New Bilibid Prisons na source ng droga sa kalye. “Hanggang may telepono na nagagamit ang mga preso sa NBP, hindi mawawala ang droga sa kalye­,” ani Matta. Ano pa nga ba? Tsk tsk tsk! Matagal na ang proble­mang ‘yan hanggang ngayon wala pang solution? Mismooo!

Ang unang natimbog ng mga operatiba ni Matta ay sina Hu Bingbing, 28, Shiwen Zhu, 28, at Crismark Beso, 25, na nakorner sa Room 7H Six Senses Residences Tower na nasa Bgy. 76, Zone 10, Pasay City noong Agosto 7. Nakum­piska sa kanila ang isang kilo ng shabu na nasa iba’t ibang sachets, 80 gramo ng cocaine, 71 grams Ketamine, 135 grams high-grade marijuana, at assorted party drugs. Nakuha rin ang tatlong baril at ang P5,000 buy-bust money. Swak sa banga ang mga suspects dahil ang PDEG ope­ratives ay armado ng 2 alternative recording devices at witness sina Leonard Basilio ng media at kagawad Danilo San Miguel. Ang sakit sa bangs nito.

Noong Biyerne naman, inaresto ng PDEG sina secu­rity guard Lionard Tiodoro, alyas Boy Tattoo, 30; Paul Patrick Toledo, 27, correction officer 1 ng BuCor, at  Romeo Gue­r­rero­, 34,  sa Skate Park, Bulungan, Parañaque City. Nakumpiska sa kanila ang 10 pirasong Chinese tea-bags na shabu o 10 kilo na nagkakahalaga ng P68 milyon. Nakuha rin ang boodle money at P1,000 bill, Toyota Wigo (NCE 3674), Ford Fiesta (AAM 8590), Norinco, iba’t ibang IDs, 2 cell phones, at 2 wallets. Ang operation ay sinaksihan naman nina kagawad Jhonel Bolayon at mediaman Dave Medina. Dipugaaa!

Nang araw ding iyon, inaresto ng PDEG sa Zamboanga City si alyas Samson, 37, na isang high value target at nakumpiskahan ng 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon. Ang operation, ayon kay Matta ay inilunsad sa Bgy. San Jose Gusu ng 12:00 noon. Hayan mga kosa, hindi nagpapahinga ang PDEG para tuldukan ang problema ng droga ha? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

“This accomplishment demonstrates our commitment to combating illegal activities and ensuring our community’s safety. Let us continue to uphold the values of integrity and service excellence in all our future endeavors,” ani Matta. Kaya sa street pushers d’yan, tabi-tabi muna at baka masagasaan kayo ng PDEG ni Matta at sa rehas na bakal ang landing n’yo. Dipugaaa! Abangan!

DRUGS

PDEG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with