^

PSN Opinyon

100 toneladang repolyo binili ni Benguet Rep. Yap

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

TINULUNGAN ni Benguet Rep. Eric Go Yap ang mga mag­sasaka sa kanyang nasasakupan. Binili niya ang 100 tone­ladang repolyo at iba pang gulay at ipamudmod nang libre sa Metro Manila. Nangamba siya na mabulok ang napa­karaming gulay dahil sa pagkasira ng mga kalsada sa Northern Benguet patungo sa mga palengke sa kapatagan.

Maraming magsasaka sa Benguet ang apektado nang pag-ulan kaya kumilos si Yap. Namigay din siya ng pagkain sa vegetable traders na pumila sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center.

Bukod sa ayuda sa mga magsasaka, bumalangkas din siya ng batas para pahintulutan ang Department of Agri­culture (DA) na maisaayos ang presyo ng mga gulay na madaling mabulok. Batid niya na ang pagbulusok ng presyo ng mga gulay ay makapipinsala sa kabuhayan ng mga mag­sasaka.

Ipinanukala niya ang HB 9889 na magtatalaga sa Bureau of Agriculture and Fisheries Standards ng responsi­bilidad upang bumuo ng mga pamantayan sa pagtatag ng presyo sa mga mabilis na mabulok na mga gulay. Ito’y magbibigay sa mga magsasaka ng safety nets para hindi malugi ang mga ito.

Sa panukala, kapag nagkaroon ng surplus sa suplay ng gulay, bibilhin ng DA ang mga gulay sa mga magsasaka ayon sa tinakdang farmgate prices upang maiwasang mabulok ang mga ito.

Kung ang suplay naman ng gulay ay sapat, lahat nang ahensya ng pamahalaan ay inaatasang bumili ng gulay sa mga magsasaka para sa kanilang food-related programs. Ngunit kinakailangang irehistro ng mga magsasaka ang kanilang mga madaling mabulok na produkto para sa pag­mo-monitor ng presyo at suplay.

Sa panukala, bubuo ng inter-agency council upang ma-monitor ang presyo ng gulay. Uupo bilang chairman ang DA secretary kasama ang secretaries ng DTI, DILG at NEDA.

* * *

Para sa komento, i-send sa: [email protected]

DEPARTMENT OF AGRI­CULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with