^

PSN Opinyon

Mga pagkaing mahalaga sa katawan at kalusugan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga pagkain na nararapat kainin para maging malusog ang pangangatawan:

1. Gulay at prutas – Masustansya ang lahat ng gulay tulad­ ng pechay, kangkong, ampalaya, malunggay at ma­rami pang iba. Mabuti ito sa tiyan, bituka at sa buong katawan. May taglay itong fiber, bitamina at minerals. Masustansya din ang mga prutas tulad ng saging, mansanas, pakwan at iba pa. Huwag lang dadamihan ang pagkain ng prutas dahil may asukal din ito na puwedeng makataba kung sosobra ang kakainin.

2. Isda – May taglay itong mega-3 fatty acids na ma­ka­tutulong sa puso at utak. Ang mga taong umaabot sa edad 100 ay mahilig kumain ng isda, mani, beans at gulay­. Mas masustansiya ang protina ng isda kumpara sa baboy at baka.

3. Mani, beans at tokwa – May taglay na protina (vege­table protein) ang mani at beans. Napakaganda nito sa katawan. Ang protina mula sa mani at beans ay mas masus­tansya kumpara sa protina mula sa baboy at baka. Kung hindi naman mataas ang uric acid ninyo sa dugo, puwede kayong kumain ng mani at beans.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with