Mga dahilan kaya nanunuyo ang balat
May apat na dahilan kaya nanunuyo ang balat.
1. Pagbibilad sa araw – Gaya rin ng ibang uri ng init, ang araw ay nakakatuyo ng balat. Nasisira ng ultraviolet (UV) radiation ang unang layer ng balat. Ang balat na na-damage sa araw ay nagdudulot ng panunuyo.
2. Matatapang na sabon na pangligo at panglaba – Marami sa mga sabon ang nakakapanuyo ng balat dahil sa matapang na anti-bacterial soap, shampoo at mga detergent.
3. Sobrang paliligo – Ang paliligo nang madalas gamit ang mainit na tubig ay nakawawala ng natural na moisture sa balat. Gayundin ang paliligo sa swimming pool na may chlorine.
4. Air condition o heater – Ang mga direktang lamig na dulot ng airconditioner ay nakapagpapatuyo ng balat ganundin naman ang heater o pampainit na ginagamitan ng kahoy o gatong.
Narito ang mga sintomas kapag nanunuyo ang balat:
1. Pakiramdam na nababanat ang balat, lalo na kung naliligo, o nag-swimming.
2. Ang balat ay kumukulubot o kulang sa tubig.
3. Ang balat sa mukha ay magaspang sa pakiramdam.
4. Nakararamdam ng sobrang pangangati.
5. Pagkatuklap, pagbabalat, o pangangaliskis ng balat.
6. Pagkakaroon ng guhit-guhit o pagbibitak ng balat.
7. Pamumula ng balat.
Payo: Mahalagang i-moisturize palagi ang balat. Gumamit lamang ng mild soap. Limitahan ang oras ng paliligo.
- Latest